FEELINGS
"Achi gumising ka na, malapit na ang final exam natin, bahala ka maiiwan ka kapag hindi ka nakapag-exam." Sabi ko kay Achi habang hawak ko ang kamay nya.
After the operation ay nacomatose si Achi dahil dumaplis sa heart nya yung bala, sobrang critical nung lagay nya noon at halos wala na akong maiyak habang nagpepray na sana ay ligtas sya at tagumpay na malagpasan nya ang operasyon.
At tagumpay nga ang operation kaya lang ay one month ng coma si Achi, yung baliw naman na prinsesa ay nakakulong pa rin, umuwi ang pamilya nun dito pero kahit anong gawin nila ay hindi ko inurong ang kaso sa kanya, sobrang nakakagalit lang talaga ang ginawa nya at hindi madaling mapatawad.
Sinagot din nila ang bills ni Achi sa hospital, at humingi na din ng tawad ang magulang nung baliw sa akin pinatawad ko sila kasi wala naman silang kasalanan, yung anak nila ang may gawa nito kaya sya ang dapat magdusa.
Sina Alien naman... hayyy muli ay naramdaman ko na naman ang sakit ng puso ko, bumalik na sila sa England, nakita ko lang sa balita yun at one week akong nagkulong lang sa kwarto ko, hindi ako lumabas kahit na dinalaw ako ng kung sino-sino. Aaminin ko sobrang namimiss ko sya, lagi ko syang natatawag ng di sinasadya, sanay kasi akong nandyan sya lagi.
"Alien pahingi nga---" natigilan ako ng bumaling ako at malungkot na si Aphrodite ang nalingunan ko.
"Heto Hera oh." Nakangiti namang binigay ni Athena ang one fourth sheet of yellow paper sa akin.
Napabuntong-hiningang tinnggap ko ang papel at muling tumingin na lang sa prof na nagpapaquiz.
"Alien tingnan mo---" napatigil naman ako sa paghila ng sleeve ng katabi ko sa computer lab.
"Ha? Hera?" tanong naman ng nerd na katabi ko.
Umiling na lang ako at tumingin ulit sa monitor ng computer ko.
"Namimiss mo sya no?" tanong ni Aphrodite sa akin habang nasa canteen kami for lunch break.
"Miss na nga lang kaya?" Athena
Miss na lang ? napaisip din ako sa sinabi ni Athena, hindi ko alam kung ano ang ibig nyang sabihin dun, may iba pa ba bukod sa Miss?
"Pero wag kang mag-alala Achi, kumopya ako ng notes para ibibigay ko sayo, kaya gumising ka na huh?" sabi ko.
Hindi din ako nagtagal sa hospital kasi dumating yung family nya kasama yung ibang kamag-anak nya, dama ko namang galit sila sakin dahil sa nangyari kay Achi.
Dumiretso na ako sa bahay namin, at nagkulong na lang ulit sa kwarto habang nakatulala sa kisameng salamin ng kwarto ko ay naisip ko na naman si Alien.
At parang slide show na naalala ko ang unang pagkakakilala amin ni Alien, ang pagiging magkapit-bahay namin, pagiging magkaibigan, yung iniwasan ko sya, yung natuklasan ko ang secret nya at yung huling nakita ko sya.
And now I realize it's not missing that I'm feeling anymore, it's longing and a new feeling.
Feeling that warm and twist my heart painfully every time I see his face out of nowhere, every time I remember memories I have with him.
Feeling that are very familiar to me.
Love? Natatakot pang tanong ng isip ko.
Yes Love! sagot naman ng heart ko at kasabay ng mabilis na pagtibok nito.
"I am in love with him?" napabangon pa ako habang sinasabi ito, napahawak ako sa puso ko na para akong sinasagot dahil sa walang tigil nyang pagdugudug.
"Oh my gosh!" napababa ako ng kama at nagpabalik-balik sa kwarto ko, hindi ko alam ang gagawin ko or kung saan ako pupunta or sino ang dapat kong kausapin tungkol dito.
*RING-RING-RING*
Halos matapilok ako ng biglang tumunok ang cellphone ko sa kama.
Natataranta pa akong pinulot iyon, ano ba to? Grabeng effect naman ng realization na ito.
Nakita ko ang kakaibang numero. Sino kaya to? Hindi ako sumasagot ng unknown number pero naunahan na ako ng kamay ko sa pagslide para masagot.
"Hello?"
Katahimikan, okay? Prank call? I-eend ko na nga sana pero halos tumigil naman sa pagwawala ang heart ko ng makilala ang boses sa kabilang linya.
"Angelita... hindi ko na kaya, I need to see you, I need to tell you something." Halata sa boses nya na nahihirapan na sya.
The Realization?
BINABASA MO ANG
" My Gayfriend's Secret ! "
Romance".. my gayfriend have this secret ... a secret that may hurt me or will make me happy :))) ..." - HEROINE ANGELA GO-SAAVEDRA
