[AN: UNEDITED]
"KIDNAPPED ?!"
HERA's POV
Okay this is creepy, gabi na pero nandito pa rin kami sa resort sa batangas, nahihiya naman ako magyayang umuwi kay Prince Hades kasi mukhang enjoy na enjoy sya sa ginagawa nya, ngayon kasi nagtatry kami ng mga water activities ng resort na pinuntahan namin, kanina nga nagdiving kami with the baby shark... weeeh kakatakot na nakakaexcite hehe.
"Hey?" napatingin ako kay Prince ng lumapit sya sa akin sa cottage na nirent naming kanina. "Are you not gonna try the snorkeling? Or I am a boring company?" lumungkot sya nun.
"H-huh? No it's just that its getting dark already." Medyo alangan ko pang sabihin.
"Ahhh yeah, now that you said it." Ngumiti si Prince kaya napangiti na din ako. "Alright I'm gonna tell the driver to get ready."
Tumango lang ako at umalis na sya. Ako naman ay nag-umpisa ng ayusin ang mga gamit ko, yung mga kung ano-anong souvenirs na binili ko, hehe. Inayos ko na din yung mga gamit ni Prince Hades kasi wala na akong ginawa.
After that, pumunta na ako sa parking ng resort, dun ko na lang hihintayin si Prince kasi nga magbibihis pa sya. Inayos ko ang mga gamit namin sa likod ng car tinulungan pa nga ako ni Manong bait nya kaya nagpasalamat ako sa kanya at binigyan ko sya ng precious smile ko wahaha, ayyy wah poise.
"Manong sa loob na ako maghihintay huh?" sabi ko at pumasok na sa loob ng sasakyan, pumikit ako dahil ngayon ay ramdam ko na ang pagod ko, sabi na nga ba bagsak na ako sa pagod kapag pauwi na kami eh, haha.
Napamulat lang ako ng parang gumalaw yung sasakyan. Teka! Napalingon ako sa paligid ko pero ako lang naman ang nandito sa back seat, wala pa si Prince Hades.
"Ahhh manong bakit umalis na tayo?" taking tanong ko, napatingin pa ako sa mirror sa unahan pero sobrang kinabahan ako ng hindi makilala ang driver ngayon, hala? Namali ba ako ng sakay ng sasakyan?
"Tumahimik ka na lang Miss." Sagot ni manong.
Nagsimula na talaga akong magpanic agad na kinapa ko ang bag ko na kanina ay nasa tabi ko lang pero wala na ito doon.
"M-manong a-ano po..." nag-umpisa ng mag-init ang gilid ng mga mata ko, alam ko ang nagyayari at ang posibleng mangyari pero ayaw yun tanggapin ng isip ko.
"Miss kung ako sayo manahimik ka, wag mo ng hintaying ako ang magpatahimik sayo." Pagbabanta nya, hindi ko na napigilan ang paglandas ng luha sa pisngi ko, natatakot ako, sino ang may gawa nito? Joke ba ito ni Prince... natigilan ako sa pag-iisip ng bigla kong maalala ang kwento ni Alien.
Mangyayari din bas a akin ang nangyari sa kanya? Pero bakit? Wala naman ako naiisip na magagawa ko sa kanilang para gawin nila ito sakin, hindi ko maisip nab anta ako sa posisyon nila, pero bakit ganito?
Muli ay napaiyak ako I feel betrayed again, ganun ba talaga ako kadaling lokohin kaya ang mga tao ay natutuwang paglaruan ako, at ang pinakamasakit sa lahat na kung sino pa yung mga tinuturing kong kaibigan ay sila pa talaga yung mga taong mangloloko sa akin.
Maya-maya pa ay huminto ang sasakyan, agad na bumaba si Manong at pumunta sa side ko at binuksan ang pinto, walang ingat na hinila nya ako. Agad na piniringan nya ako, lalo naman akong napaiyak kung noon ay natutuwa or kinikilig ako sa mga napupunood na ganito dahil alam kong may magliligtas sa kanilang prince charming pero sa sitwasyon ko Malabo, dahil bukod sa yung mismong Prince ang may pakana nito ay hindi din sya pag-iisipan ng mga parents ko kasi sinundo nya pa ako sa amin at hindi ko sya kasama ngayon.
Naramdaman kong kinakaladkad ako ni kuya, iyak lang ako ng iyak dahil sa sitwasyon ko at dahil sa minsan ay natatapilok ako dahil sa marahas nyang paghila nya sa akin.
"Ouch...huhuhu" hindi ko na napigilan ang hagulgol ko ng pabalya nyang akong tinulak sa matigas at magaspang na sahig, ramdam kong may gasgas sa tuhod ko.
"Manahimik ka ha!" bulyaw nya kaya tahimik na lang akong umiyak, nasilaw pa ako ng bigla nyang tinanggal ang piring ko, kung sa normal na sitwasyon lang ay mapaparoll eyes ako, very common na ang abandon warehouse para sa mga ganitong scene, pero dahil mismong nararanasan ko ay napaiyak na lang ako sa takot ko sa mangyayari.
Maya-maya pa ay bumukas ang pinto at pumasok doon ang siyam pang lalaki at isang babaeng nakatakip ang mukha.
"Good Job." May British accent na sabi nito kay Manong driver, napatigil naman ako ng makita ang kabuuan ng babae maliban sa nakatakip ng mukha, kung hindi ako nagkakamali ay kaedad lang naming to, at malayong eto ang nanay ni Prince Hades.
Lumapit pa ang babae sa akin, at binuklat nya ang takip ng mukha nya, magandang mukha ang bumungad sa akin at halata ang banyagang itsura nito.
"It's nice to finally meet the girl who got Prince Zeus attention and maybe Prince Hades too." Nakangiting sabi.
Teka sino ba sya?, kilala nya yung dalawang prinsipe nay un?
"Who are you and why did you kidnapped me?" tanong ko habang pilit pa ring kinikilala ang mukha nya.
Pero hindi nga ako sinagot at hinawakan nya lang ang mukha ko, napangiwi ako dahil sobrang higpit nun, halos bumaon na nga ata ang mga daliri nya sa pisngi ko.
"Nothing special." Sabi nya maya-maya at pabalyang binitawan ang mukha ko.
BINABASA MO ANG
" My Gayfriend's Secret ! "
Romance".. my gayfriend have this secret ... a secret that may hurt me or will make me happy :))) ..." - HEROINE ANGELA GO-SAAVEDRA