[AN: UNEDITED]
RESCUE
ACHILLES' POV
Seryosong nagpaplano ang lahat sa pagrescue kay Hera, oo alam na namin ang lugar dahil sa mga connetion ni Prince Zeus ! Natrace nila yung Car nitong bwisit na pinsan nya. Psh!
"Sasama po ako." Hindi ko na napigilang magsalita, kaya naman napatingin sa akin ang lahat.
"Ahhh iho hayaan na natin ito sa mga pulis, delikado ito, hindi natin alam kung sino ang may motibong gawin ito sa pamilya ko." Mr. Saavedra.
"Kahit na---" hindi ko na naituloy ang sasabihin ko ng magsalita si Mrs. Saavedra.
"Alam kong hindi din papayag ang baby ko sa gagawin mo Achi." Mrs. Saavedra, hinawakan nya pa ang kamay ko, parehang pareha talaga sila ni Hera.
Ngumiti na lang ako at napipilitang tumango, pero pasensya na, kahit ano ang mangyari kailangang iligtas ko si Hera.
"Please bring my baby safe." Paki-usap pa ni Mrs. Saavedra habang naghahanda na paalis ang mga pulis, habang busy naman ang iba pa at mabilis akong sumakay sa likod ng isang van na gagamitin nila.
HERA's POV
Masakit na ang mata ko sa kakaiyak. Nag-aalala na rin ako kila mommy at daddy alam kong mag-aalala sila ng sobra sa akin, iiyak na naman sila, dahil doon ay lalong napaiyak lang ako.
Kailangan kong makatakas, kung papatayin din naman nila ako, I rather die fighting.
Tumigil ako sa pag-iyak at nilibot ko ang paningin sa lumang warehouse, maraming pwedeng daanan, ang problema ko lang ay paano ko tatanggalin ang tali sa paa at braso ko ?
"Excuse me!" tawag pansin ko sa limang bantay ko dito, nandun sila sa harap ng tv at nanunuod ng pelikula.
Napatingin sa akin si Manong Driver.
"I need to go to the bathroom please."
"Haha luma na yan Miss, ginagaya mo ba itong babae sa pelikula na pinapanuod namin? Haha." Tawa nya at nakitawa na rin yung iba.
"Hindi po, eh kayo nga dyan oh? Abandon warehouse seriously? Gasgas na to eh!" nakairap na sabi ko, haha nakapagtaray pa talaga ako sa lagay ko.
"Eh yung mukha mo kaya ang gasgasin namin?" banta naman nung isa. Pikon naman ng mga to.
"Sige na po kuya, kailangan ko na talagang magbath room." Paki-usap ko pa.
"Dyan ka na lang magbanyo, magbabanyo ka pa eh mawawala ka na rin naman mamaya, haha." Nagtawanan sila, gusto kong maiyak ulit, mukhang dito na nga lang ang buhay ko.
Maya-maya ay may pumasok na lalaki pa, may dala syang pagkain.
"Mga pre andyan na yung pagkain na inorder ni Mam, kumain na kayo kami naman dito." Sabi nya.
"Yown naman ang kanina ko pa hinihintay, haha." Sigaw ng lalaki at nagtakbuhan pa silang umalis, napakunot naman ang noo ko, sabi nung lalaki KAMI daw eh mag-isa lang naman sya.
"Hera." Nanlaki ang mata ko ng makalapit na ang lalaki.
"ACHI?!" sigaw ko.
"Shhh... nandyan na ang mga pulis, ililigtas ka namin." Nakangiting sabi nya at niyakap ako, hindi ko na napigilan ang mapaiyak na talaga dahil sa sinabi nya. "Wag ka ng umiyak, ililigtas kita kahit anong mangyari, uuwi ka sa inyo." Nakangiting sabi nya at dali-dali nya akong kinalagan.
Umiiyak na niyakap ko sya ng tanggalin nya yung tali sa kamay at paa ko.
"Halika na bilis, bago pa nila mahalata." Hindi ko na sya natanong kasi ang importante ay ligtas kaming pareho na makaalis dito.
Nasa pinto na kami ng bumukas iyon at pumasok na naman ang babae.
"Where are you gonna take her?" galit na sabi nito at tinutok sa amin ang baril na hawak nya. "Damn goons!" inis pang sabi nya ng saglit na ilibot ang paningin sa paligid at di napansin ang mga tauhan nya.
"Pincess Eriszeah Blessanca?" gulat na sabi ni Achi, napalingon ako sa kanya, kilala nya itong babaeng baliw na ito.
"Oh you know me handsome?" nakangiting sabi nito kay Achi.
"I read one article about modern Monarchy." Simpleng paliwanag ni Achi.
"I see, now I don't have business with you and you are handsome so I will let you leave this place safely but don't bring that flirt girl with you! She dares seduced Prince Zeus and Prince Hades with that horrible face? Ugh! I will kill her and Prince Zeus will be mine!" bigla ay nagmukha syang demonya, tumawa pa sya tulad ng mga kontrabida sa movie.
Nagulat ako sa sinabi nya, kilala nya nga talaga ang dalawang prisipe? At mahal nya si Alien, hindi ko alam kung sa sitwasyon namin kaya ko gustong umiyak ulit o dahil sa sinabi nya.
Maya-maya ay nakarinig kami ng mga putukan sa labas.
"Oh that's the alarm". At bigla na lang nyang kinalabit ang trigger.
At sa harapan ko ay nakita ko ang pagbagsak ni Achi kasabay ng luha ko.
May mga pumasok na ulit na mga tao ngunit nakatulala pa rin ako kay Achi na nakahiga sa harap ko at may dugong unti-unting kumakalat sa damit nya sa kaliwang part ng dibdib nya.
"A-Achi~"
BINABASA MO ANG
" My Gayfriend's Secret ! "
Romantik".. my gayfriend have this secret ... a secret that may hurt me or will make me happy :))) ..." - HEROINE ANGELA GO-SAAVEDRA
