PARTING TIME
Hanggang ngayon ay hindi ko napapansin ang nangyayari sa paligid ko pero ramdam ko ang tuloy-tuloy na pag-agos ng mainit na luha sa pisngi ko.
"Kasalanan ko...I'm sorry." Paulit ulit na sabi ko habang nakatulala sa Emergency Room.
"Baby"
"Hera"
Hindi ako lumingon.
"Kasalanan ko... Im sorry~" naramdaman ko ang pagyakap sa akin.
"Oh my baby." Si Mommy, mas lalo akong napaiyak ng maramdaman ko ang init ng yakap nya, parang ngayon lang nagsink in sakin na ligtas ako pero kapalit nito ay nasa Operating Room si Achi.
"Mommy... Mommy kasalanan ko ... si Achi ... Mommy." Hagulhol ko sa kanya.
"Shhh... everything will be fine baby." Pagpapatahan sa akin ni Mommy pero hindi ko pa rin matigil ang pagbagsak ng luha ko kasi ang sakit ng puso ko sa nangyari, dahil kahit sinaktan ako noon ni Achi mahalaga pa rin sya sa akn dahil naging malaking part sya ng buhay ko.
"What are you doing? Can't you see I am wounded?" naagaw ng boses na yun ang pansin ko, nakita ko ang baliw na prinsesa na may kagagawan ng lahat ng ito. Nagpupumiglas sya sa mga pulis at hawak ang may benda nyang braso.
Hindi ko alam pero biglang kumilos ang katawan ko palapit sa kanila, nakita nya naman ako agad, nagcross arm sya at ngumisi sa akin.
"Hera!" narinig ko pang tawag ng mga taong iniwan ko.
"You're lucky biatch!" sabi pa ng baliw na prinsesa.
Nanginig ako sa sobrang galit na parang gustong gusto ko sya durugin hanggang mawala sya na parang alikabok!
*PAK*
Kumilos na ang kamay ko bago pa ako makaisip ng tamang gawin sa kanya, buong lakas ang binigay ko doon.
"Sisiguruhin kong hindi ka makakalaya sa kulungan dahil sa ginawa mo baliw na prinsesa kahit pa ubusin ko ang yaman ko, sisiguruhin kong walang magagawa ang titulo mo, pagbabayaran mo ang ginawa mo!" sigaw ko sa kanya, wala akong paki-alam kahit hindi nya naintindihan yun.
"Miss kami na ang bahala dito." Harang ng pulis.
"She hurt me! You should arrest her too!!!" sigaw naman ng baliw na prinsesa sa mga pulis.
"Hera." Naramdaman ko na ulit sina mommy sa gilid ko.
"Princess Eriszeah?" sabay pang sabi nina Zeus at Hades.
"Oh my prince helps me, they are harassing me, and that crazy girl slaps me." Bigla namang lumapit ang baliw na prinsesa kay Zeus.
Napatingin sa akin si Alien. Nagkatitigan kami, I don't know pero I'm hurt! Kakampihan nya ba ang babaeng yan? Ano nya ba ang baliw na yan?
"You know her?" nakakunot-noong tanong naman ni daddy na humarang sa harap ko na parang handa akong protektahan sa ano mang mangyayari.
"Mr. Saavedra---"
"Kilala mo nga Prince Zeus, Prince Hades." Tiningnan nya yung dalawa. "Hindi ko na kayang baliwalain ito, simula ng makilala kayo ng anak ko ay maraming bagay na ang nangyari sa kanya na bilang isang ama ay hindi ako natutuwa, marahil kung iba ako ay matutuwa ako na nakakilala ang anak ko ng dalawang prinsipe na pangrap ng maraming batang babae, pero mahal ko ang anak ko at bilang ama nya ay hindi na ako makakapayag na guluhin nyo pa sya." Seryosong pahayag ni daddy.
"Hindi nila kasalanan yun Hon." Mahinahong pigil ng mommy kay Dad sa braso.
"Ayoko ko ng makikitang lumapit kayo sa kanya, wala akong paki-alam sa mga titulo nyo, wala iyang kwenta kung mapapahamak naman ang buhay ng anak ko." Patuloy ni daddy, lumingon naman sya sa mga pulis. "Officer I want to issue a restraining order too for this two, I don't want them near my daughter at kahit maubos ang pera ko para lang mailayo sila sa anak ko ay gagawin ko!"
"Dad."
"Hon~" sabay pa kaming nagsalita ni mommy at hawak namin ang magkabilang braso ni Dad.
"I-I am sorry Mr. Saavedra." Napatigin ulit ako Alien na nakatingin na din pala sakin "I'm sorry Heroine Angelah." Lumungkot ang mukha nya ng banggitin nya ang pangalan ko.
"I am sorry too." Sabi din ni Hades, malungkot din sya na nakatingin sa amin.
"What my Prince---" baliw na prinsesa.
"Please take her officer." Sabi naman ni Alien sa mga pulis at tinulak sa mga ito ang baliw na prinsesa at tumalikod na para umalis.
Lalong sumakit ang puso ko habang tinitingnan sya palayo.
ZEUS' POV
"Zeus?" gulat na salubong sa akin ni mommy at lola.
"Let's go home mom." Umiiyak na yumakap ako kay mommy.
"Shhhh its fine, we will go home now." Pagtahan naman ni mommy sa akin habang hinahaplos ang likod ko.
Parting time is always painful.
BINABASA MO ANG
" My Gayfriend's Secret ! "
Romance".. my gayfriend have this secret ... a secret that may hurt me or will make me happy :))) ..." - HEROINE ANGELA GO-SAAVEDRA