. Eto na po ang UD ko. Hope you will like it. Spread love! =))
*Mark's POV*
Di ko alam kung san ako pupunta. Pagkababa ko, hinagilap agad ako ng matandang babae na katabi ko kanina.
"Eh iho, may pupuntahan kaba diri?" Sabi niya na ikinailing ko at ikinangiti niya. Napa maang naman ako at hinihila niya ako. Okay lang naman sakin kasi pinakain nya ako ng mga pagkain niya kanina at nagkwekwento pa siya tungkol sa mga anak niya at don sa Edward ba yon? Yung kasama niya sa bahay. 74 na pala si Lola at tanging si Edward na lang ang kasa-kasama niya. Si Edward yung ampon ni Lola at napalaki niya na kasing edad ko na daw sabi niya. High school lamang ang natapos nito dahil sa kakulangan ng pera at wala na ding tumutustos sa kanya dahil ang mga anak nito ay umalis na at pumunta ng maynila.
Well, for me, ganoon talaga ang buhay pero dapat hindi dapat kinakalimutan ang mga magulang. Always remember that! I feel sorry for him and lola. Pumunta lang daw si Lola ng Maynila para dalawin ang kanyang anak na namatay. Although, may pension naman daw siya ng pang-gastos para sa kanila ni Edward.
Nagulat ako ng pinasakay niya ako ng tricycle na animan. 4 sa side car at dalawa sa likod ng driver, if you know what I mean. Edi wala na akong nagawa kaya sumakay na lang ako.
After 30 mins. bumaba na si lola at bumaba na din ako.
"Ayan ang bahay namin." Bungad niya sakin at nakita ko ang maayos naman na bahay. May mga bato at kakaunti na lang ang mga tapal ng kahoy. Mainam dahil maayos ayos naman.
Hinila niya ulit ako papasok at pinaupo.
"Edward!! Dito nako. May pagkain na ba dyan?! Halika dito may papakilala ako sayo." Sigaw ni Lola, grabe hanggang kabilang kanto ata yung sigaw niya. Siguro singer to dati.
Nagulat ako ng makita ko yung Edward...
bakit?
Panong?
Di ko ma-gets?
"Hey, kilala kita. Diba ikaw yung kaibigan ni Adrian?" Gulat kong sabi sa kanya at kumunot naman siya. Ito yung nakatitigan ko non doon. Di ako nagkakamali kasi kamukha niya talaga yon. Tapos ngumiti siya at si Lola.
"Baka yung kambal ko po iyon si Ervin. Ako si Edward." Sabi niya at nag handshake kami.
Ahh, akala ko siya na talaga yon kasi kahawig niya talaga. Gabi na kasi eh kaya di ko masyado maaninag kung ano ang pagkakaiba nila well, di ko naman alam ang features nung ervin pero nung tinitigan ko siya ay masasabi kong brown ang color ng mata niya at mahahaba na parang pang babae ang kanyang pilik mata.
Nagsasalita si Lola ng diyalekto nila at nag nod lang si Edward. In-assist ako ni Lola para umupo sa hapagkainan.
"Dito ka muna Mark, hangga't wala ka pang matutuluyan." sabi ni Lola at nag nod naman ako. Grabe napaka bait nitong si Lola Ida. Masasabi kong mabait talaga siya kasi kahit kinalimutan na siya ng kanyang mga anak, hindi niya pinagliliban ang mga kaarawan nito. Yun ang kwento niya sakin kanina habang nasa byahe.
Naghain na pala si Edward. Nakakatuwa lang kasi ang dami niyang handa. Mala-fiesta. Yung iba daw pinamigay ni Edward sa kapitbahay kesa daw mapanis.
Natapos non eh nahiga na si Lola Ida dahil sa pagod at nagbilin kay Edward na tabi na lang daw kami matulog dahil iisa lang ang kwarto. Si Edward naman nag pipilit na sa sala na lang daw siya eh ako naman eh mabait ako sabi ko kahit maliit ang kama niya eh tabi na lang kami.
"Oh dito ako, tapos dyan ka." Sabi ko kasi nakaupo na ako sa higaan at humiga na. Si Edward naman parang adik nakatayo pa din siya.
"Oy, humiga ka na. Wag ka ng tumayo diyan." Ginawa niya naman ang sinabi ko at parehas na kaming nakahiga. Para na siyang pipi at ako naman nagiisip ng kung anu-ano wag lang maisip yung nangyari sakin kaya ako pumunta dito.
BINABASA MO ANG
I'm In love with a BULLY (ManXMan) (Mpreg) (completed)
DragosteA good rendition of love. Synopsis: From bully to Daddy This book has a mature contents, make sure you're 18 and above. May SPG SCENES PO ITO! REMEMBER! Please be reminded tha,t first read the one shot story of "BULLY" for further knowledge of the s...