Love Team

16.3K 182 50
                                    

Hello!

Thanks po sa pag-basa nito. Itutuloy ko ito pagkatapos nung ongoing story ko. Hope you'll support!!

******************************************************************************************************************

< Introduction >

Gusto kita, ay hindi.

Gustong-gusto kita..

Palagi kong iniisip kung.. Sa mga panahong wala kang ginagawa.. Naiisip mo rin kaya ako?

O sa mga pagkakataong hindi tayo nagkikita.. Nami-miss mo rin kaya ako?

Araw-araw, tinititigan kita ng matagal kahit nasa malayo ako..

Umaasang kahit isang segundong sulyap lang..

Masuklian yung ilang oras kong paghihintay..

Ganun rin ba ang nararamdaman mo?

Hindi naman ako mahirap mahalin..

Pero bakit ganun?

Sa pagsabi ko ng nararamdaman ko para sayo..

”Salamat” lang ang naisagot mo? *tears falling*

*CLAPS*

”CUT!! Nice one Yna! Sige mag-sisimula na ang klase. Bukas ganitong oras pa rin okay? And please Yna, sabihin mo kay Paolo na umattend ng rehearsals. Hindi pwede ang VIP treatment dito.”

“Okay sir..”

Psh.. Nakaka-pagod. *yaaaaaaaawns*

Inaantok pa ko.. Kasi naman, 8 AM pa ang klase namin pero kailangan 6 AM nandito na ‘ko kasi palagi kaming may rehearsals sa drama club. Bakit ba kasi since first year ako eh sa’kin na lagi binibigay ang major roles..

At napaka-unfaaaaaaaaaaaiiiiiir!!! >O<

Napaka-aga ko at sumusunod ako sa lahat ng bilin ng adviser ng club, pagkatapos yung “partner” ko since first year eh ang siiiiiiiipag-siiiiiiiiiiipag umattend ng rehearsals. Talk about sarcasm huh. Para akong ewan kanina na nagco-confess sa taong wala naman sa harap ko.

Well mas gusto ko na yun kesa naman nasa harap ko yung Paolo Valenzuela na yun habang sinasabi ko yung mga kakornihang yun. Grrr..

Hindi ko nga maintindihan kung bakit hindi siya pumapalya sa performances despite his laziness. I soooooooo hate that guy kahit gaano pa siya ka-gwapo at kahit pa ilang tao sa buong universe ang mag-sabing bagay na bagay daw kami. Kung hindi lang sa drama club, hinding-hindi ko talaga lalapitan yun..

Kaso, dahil nga inaalagaan namin ang ”image” namin as ‘love team’ of the century, (eeew) kailangan mag-pretend na okay kami sa harap ng students. Wag niyo nang itanong kung paano kami kapag kami lang, please?

Perfect “couple material” daw kaming dalawa at the best love team ng drama club. Hindi pa ba sila nagsasawa sa mga mukha namin na apat na taon na nilang nakikita sa stage?? At tokwa, puro love stories pa ang pinapa-act sa’min. +_______+

Gosh I’m really talkative. Prances Romina Ilao here. Yna for short, and I promise to give a good punch to anyone who thinks that my name is boyish. Haha!! Just joking. Ewan ko lang kung masabihan niyo ako ng boyish kapag nakita niyo pag-mumukha ko. ^_____^

And their story starts here-

Love Team (EDITED)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon