Scene 35

2.5K 42 5
                                    

Author's Corner:

Okay, ang mga sumusunod ay SPOILER (ata?).

Sasabihin ko lang po na malapit na ring matapos itong Love Team yata. Naka-abot na siya ng 35 chappies.. Hindi ko lang alam kung hanggang ilang chapter pero patapos na siya. I don't want to spoil you too much kaya yun lang ang pwede kong sabihin. So far, mukhang ito ang magiging pinaka-mahaba kong story. Madami pa rin po akong gagawing stories pagkatapos nito, naka-line up lang sila sa isip ko. 'Di ko nga alam kung matatapos ko pa yun lahat bago ako maka-graduate ng High School. O.A. XDD

Salamat po sa lahat ng nagbabasa at sumusuporta up to this point. Love you ^___^

***********************************************************************************************

[Scene 35]

**YNA'S POV**

*kriiiiiiiiiing*--*kriiiiiiiiiing*

Pinilit kong abutin at patayin ang alarm clock ko. HALA!! 1 HOUR LATE NA AKO SA KLASE!!!

Ugh! Sakit ng ulo ko! Hindi naman ako uminom kahapon ah? Ang sakit talaga! Pati katawan ko masakit din. Hindi ako makatayo! Ano bang nangyari?

Pinipilit kong alalahanin ang mga nangyari kagabi nang pumasok si Manang sa kwarto ko.

"Iha! Ayos na ba ang pakiramdam mo? Hindi ko nai-off ang alatm mo, naistorbo tuloy ang tulog mo."

"Teka Manang, ano bang nangyari? Bakit ang sakit ng buong katawan ko?"

"May trangkaso ka Yna. Wala ka bang ma-alala?"

Tinatrangkaso na pala ako nang hindi ko alam?

Ah!! Kaya pala ako nahihilo kahapon nung.. Nung kausap ko sina Paolo at.. =((

"Ahh.. Opo. Eh teka, 'di ko po maalala na naka-uwi ako kahapon ah?"

"Ah! Hinatid ka nung kaibigan mong gwapo. Buhat-buhat ka niya nung dinala ka dito. Nahimatay ka raw sa daan eh. Mabuti at maagap siya."

"PO??!! T-teka.."

SI YUYA!! KASAMA KO NGA PALA SIYA KAHAPON!! Nakakahiya naman, binuhat pa niya ako. Ano bang nang-yari? Hindi ko ma-alala huhu.

"Nagugutom ka na? Dadalhin ko na ang almusal mo dito pati na rin ang gamot mo ha? Ibinili ka na nina Mam kagabi, alalang-alala sila sa'yo."

"Ah.. Sorry po sa abala. Sige po salamat." Hinipo ni Manang ang leeg at noo ko bago siya umalis.

"Bumaba na ang lagnat mo. Sige babalik ako."

Humiga na lang ulit ako kasi nahihilo pa rin ako ng konti. Hay. At least ayos na kami ni Yuya. Yata?

Eh kami kaya ni Paolo, kelan magiging ayos? Yung as in.. Ayos.

Bumalik na ulit si Manang.

"Oo nga pala Yna, pumunta rito kahapon yung boyfriend mo. Si Paolo?" EH??

"T-totoo po?"

"Oo, tuog ka nun, hindi na kita ginising."

"Ano pong sabi niya?"

"Kailangan ka raw niyang maka-usap.. Sabi ko, ngayon na lang siya sabihin. Malamang pupunta yun mamayang uwian."

"PO?? Ah.. Sige bahala na siya."

Love Team (EDITED)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon