[Scene 34]
**PAOLO'S POV**
"Tsk. Hayaan mo na yung girl na yun! Didn't you promise that you would only be mine? C'mon! I know you missed me, too! Don't be shy!"
Putek. Ano bang sinasabi ng lintang 'to?
Nung lumingon ako, nawala na si Yna. Tinatawag ko ang pangalan niya pero hindi na yata niya ako naririnig
"Ugh!! Let go of me! Ah Crap!!"
"Paolo deaaaaar!! Wag ka nang pakipoooooot! Haha!" She said as if we're just playing! Crap! Yung nanay ng anak ko naka-alis na!!
"Ano ba talagang kailangan mo ha?!!"
"I just missed you! That's why I flew to the Philippines and searched for you. I easily found you!! See? We're really meant to be!!" Akmang yayakapin niya pa ako pero lumayo ako. Kinikilabutan ako sa babaeng 'to.
"Look Lindsay, nagsayang ka lang ng pamasahe. Umuwi ka na." Tinalikuran ko siya.
"PAOLO!! YOU"RE SO RUDE!!" Nag-iba ang tono niya at mukhang seryoso na siya.
"I'm not. You're just too hardheaded."
"Hindi mo ba naisip na sobra-sobrang effort na ang ginawa ko para lang masundan ka? I like you very much! And I want you to be with me! ONLY WITH ME!!!" She shouted. Pwes, ganun din kalaki ang effort na ginawa ko makalayo lang sa'yo. +___+
"I'm sorry. Noon ko pa sinabi sa'yo, kapatid lang ang turing ko sa'yo! Bumalik ka na lang sa States Lindsay."
Maiyak-iyak na siya sa sinabi ko. Sa States kami nagkakilala ni Lindsay, a year ago.. Mabait siya, kaso na-obssess yata sa'kin. Pero kapatid lang talaga ang turing ko sa kanya.
Naging ka-partner ko rin siya sa mga theater plays noon. Magaling din siya at professional. Kaso, kinailangan ko nang bumalik sa Pilipinas kasi malapit na ulit ang pasukan. Sinabi niya na magkikita raw ulit kami. Hindi ko naman inakalang seryoso pala siya nun.
"I promise, you'll eat everything you've said!! That Yna? She's no match with me!! I SWEAR!! YOU"LL FORGET HER, AND I"LL GET YOU!!!"
"Whatever." Yan lang ang sinabi ko dahil nagmamadali na ako. Kailangan mahabol ko si Yna! Siguro nakauwi na siya.
Sumakay ako ng jeep para mabilis.
Pagka-baba ko ng jeep, napatigil ako sa gate nila. Nakita ko sa malayo na naglalakad si Yuya.
Posible kayang galing siya rito??
Hindi.. Baka napadaan lang.
Nag-doorbell ako. Lumabas yung kasambahay nila.
"Ah, Sir kayo pala."
"Manang, si Yna po?"
"Ah, tulog po siya. Bawal istorbohin."
"Sige na po, sandali lang, kailangan ko lang po talaga siyang maka-usap."
"Naku iho, ipagpa-bukas mo na lang yan. Mataas ang lagnat niya at ayaw ng mga magulang niya na maiistorbo ang pahinga niya. Umuwi na lang po kayo Sir."
"PO?? May lagnat siya? Kailan pa??"
"Kanina po pag-uwi niya, may lagnat na siya. Mabuti na nga lang at naihatid siya nung kaibigan niya, pagdating niya rito buhat-buhat na niya si Yna kasi nahimatay daw siya sa daan. Baka bukas hindimuna siya papasok. Sige na, madami pang gawain sa loob eh."
Sinara ni Manang ang gate at naiwan akong nakatulala sa labas.
Bakit kanina okay naman siya ah? Kasalanan ko yata. CRAP!!. Humanda kang linta ka!
Bukas, kakausapin kita Yna. Aayusin natin 'to.