Author’s Corner:
Guys! Masyado bang madami ang spaces ng updates ko? Sorry kung nayayamot kayo lalo na ang mga mobile users. Sa Word ko kasi muna tina-type bago ko ilipat sa wattpad, eh pagka-upload ko eh biglang lumalawaaaaaak ang spacing at tsaka minsan nagi-iba ang spellings. XDD
Try kong bawasan ang spacings ha? Pasensya ^___^
Vote and Comment po.
***********************************************************************
[ Scene 18 ]
**YNA’S POV**
“A magnificent morning ladies and gentlemen!! Welcome to the annual Dance Competition! To start the program, may I request everyone to stand for the opening prayer.” –MC
Magsi-simula na ang program, whew. Sana magawa namin ‘to ng maayos kahit hindi kami nakapag-practice.
Tumayo na kami at nagsimula na yung prayer.
Syempre tinigilan ko muna ang pagi-isip sa posisyon ng kamay nitong katabi ko kanina, kailangan Pray tayo ng maayos.
Pagka-tapos nun, kumanta naman ng National Anthem. Parang program talaga haha!!
“Okay!! Are you ready??” Tanong ng MC.
“YEEEEAAAAAHHHHHHHHHH!!!!!” Sigaw ng audience. Yay!! Nae-excite naman ako!
Nag-drawlots kami para malaman naming kung anong number namin
.
“Ako na..” Tumayo siya at pumunta sa teacher-in-charge.
At kelan pa siya naging gentleman?
Kung dati kasi, itutulak pa ako nun para lang ako ang bumunot kasi tinatamad siya.
Sabay-sabay na bumunot yung representatives. 30 na magka-partner lahat-lahat. Damiiiiiii..
Si Hanna nakita ko number 13. Psh. Friday the 13th. XDD
Nakita kong ngumiti si Paolo.
Tumingin siya sa’kin
“Siomaaaaaiii kooooooooooooo!!!” O///////O Hindi ba pwedeng Yna na lang kapag isisigaw niya??