[Scene 36 ]
**YNA'S POV**
"'Di ba dapat eto muna?" Tanong niya. Tsk. Maalam pa sa'kin eh.
"Hindi! Eto muna! Mas tama ako, sanay na ako dito no!! Wag kang magmarunong, ako ang babae!"
"Eh yun ang napapanuod ko sa TV eh!"
"Pwes, mali ang TV niyo! Oh, eto na lang, haluin mo." Binigay ko sa kanya yung bowl ng mixture.
Tutal maaga ang labas ngayon, 3:30 PM pa lang. Hindi pa umuuwi si Paolo. Bored kami kaya napag-kasunduan naming mag-luto ng pancakes para sa merienda. Eh iginigiit niya yung method ng pagluluto na nakita niya sa TV. Ang simple-simple lang mag-luto ng pancakes, pinapa-komplikado pa niya. +___+
Nagka-ayos na nga pala kami. Salamat sa makabagbag-damdaming linya niya kanina. Medyo sinira ko nga lang yung moment kasi halos napa-higa na ako sa sahig kakatawa.
"Oh, tapos na." Inabot niya sakin yung bowl na hinalo niya, flour and eggs.
"Good. Hmm!! Bangooooo!" Nakaka-adik talaga ang amoy ng pancakes.. Waaaaa
"WOW!! BILOG NA BILOG!!" Halos mabitawan ko na yung hawak ko. Bigla biglang sumisigaw!!
"Ang mangyan mo naman Paolo! Normal lang na maging bilog yan! Ano pang alam mo sa mundo ha??!"
Enjoy na enjoy siyang panuorin ako habang nagluluto. Nakaka-conscious!
After 5 mins, luto na. Ang bangoooooooooooooooo!!!!
Kumuha kami ng tig-isang tinidor, pinalamig ng konti yung pancakes at kumain na.
"Wow.. Ang sarap! Lasang cake!"
"Malamang. Haha!" Natutuwa ako kasi nasasarapan siya.
Tumayo siya.
"Oh, bakit?"
"Hindi pwedeng hindi matikman ni Sio-Sio ang luto ng Mommy niya!!" Tatakbo na dapat siya sa kwarto ko pero hinihit ko siya sa polo niya.
"HEP HEP!! Ikaw, nawi-wirdohan na ako sayo ha! Kumain ka na lang! Kakakain lang ni Sio-Sio ng pusa kanina!"
"Ganun?" Kinuha niya lahat ng natitirang pancakes. Swapang!! Dalawa pa lang nakakain ko huhu..
"Papasok ka na bukas Sioms?" Tanong niya. Huhu. Pancakes ko...
"Oo, wala na akong lagnat eh."
"Sunduin kita?" Psh. Nagpaalam pa. Haha!
"Okay!" Kinain ko na ulit yung pancakes ko. Baka kunin niya pati ito. Huhu.
"Yna." Bigla siyang nag-salita.
"Ano?"
"I love you"
*eeeeeeeeeenggkkkk*
Bumukas ang pinto. O////////O
"M-MOMMY?!? DADDY??!" Napa-tayo ako. Pag naro-wrong timing ka nga naman oh!! For sure narinig nila yung kakornihan ni Paolo! Ang tahimik. Huhu..
"KYAAAAAAAAAAAAAAAAAAAAAHHHHHHHHHH!!" Nag-sisigaw at nagta-talon sina Mommy at Manang. Si Daddy naman, pinapat ang balikat ni Paolo.
Isolated ako. HUHU!!
Sa bahay na nag-dinner si Paolo kasi mapilit sina Daddy. Close na kagad sila. Waaaa.
"See? Kasal na lang ang kulang Mommy. Hahaha!" Bulong niya sa'kin.
"Tumahimik ka! Nasa harap tayo ng pagkain!"
Sana, palaging ganito.