Author's Note:
Waaaaaaaaa!!! Sorry ng madaming-madami sa ilang araw ng hindi paga-update, nawalan ng net eh >O< Gomen-nasai!! Sorry haha!! Sorry talaga ng paulit-ulit..
Tapos, nablanko pa ata utak ko kaya pagpasensyahan na ang update ngayon. XPP
Pero Sorry talaga ha? Alam ko may mga nainip. Sorry, kahit ako nainip rin eh..
Pambawi ko, apat na chappies.
Masaya na ulit. Hindi ako napagalitan dahil sa USB ko haha!! Bibili pa ako ng bago >O<
*********************************************************************************************************
[ Scene 11 ]
**YNA'S POV**
Guess what.
PASOK SI YUU!!! Officially, member na siya ng drama club at official cast na rin ng school play! ^O^
Yuu nga pala ang tawag ko kay Yuya. Madami kasing hindi maka-appreciate ng Yuya at tinatawanan lang yung pangalan na yun. Ang astig kaya pakinggan. =__=
Malaki talaga ang potential niya.. Lalo pa siguro kapag na-train siya ng maayos!! Sayang nga lang at graduating na kami.. Ngayon niya lang mapapakita yung skills niya. Sigurado, dadami ang fans ng gwapong 'to!!!
Isa na 'ko dun. Crush ko na ata siya eh.. >//////< Shhhhh..
Eh kasi, ang gwapo na nga, tapos mabait pa. Friendly siya at approachable but not to the extent na nagmu-mukha na siyang flirt. Ka-vibes ko na kaagad siya.
At least, sa kanya, hindi ako nao-OP. Kung kayang mang-iwan sa ere ni Paolo, pwes....
Mas kaya ko.
"Napapansin mo ba? Hindi na madalas mag-kasama sina Yna at Paolo no? Simula last week pa?"
"Oo nga eh.. Yung transferee.. Hanna ata ang pangalan.. Yun ang laging kasama ni Paolo!!"
"Oo!! Nakikita ko rin sila eh.. Tapos nakikita ko noon si Yna na mag-isa kapag papunta sa rehearsals.. Nakaka-panibago no?"
"Tapos lately, nakikita ko naman na si Yuya ang madalas kasama ni Yna.."
"Yuya?? Yuya.... Mazehara?? Yung gwapong Japanese sa IV-C?"
"Yup.. Ano bang nangya-yari?"
"Break na ba sina Paolo at Yna? Sayang naman!! Botong-boto pa naman ako sa kanila.."
"Pero ang gwapo naman ni Yuya!! Ang swerte naman ni Yna, Ang gu-gwapo ng mga nali-link sa kanya.."
"Ah basta!! Siopao-Siomai pa rin ako!!"
Yan ang narinig kong bulong-bulungan ng mga students sa may Cafeteria. Kung maka-chismaks naman 'tong mga 'to..
At kami ni Paolo? Break? Hindi ko nga matandaan na naging kami pala eh. Psh.
See what you've done Paolo Valenzuela? Bahala kang malagot kay Sir.
Simula nung napalapit si Paolo kay Hanna, hindi ko na siya naka-kausap. Kahit sa klase, hindi na. Tuwing rehearsals na lang.. Kapag nagde-deliver mg lines
Palagi siyang busy kay Hanna eh. I wonder what the real thing between them is by this time.
Sila na ba? Nagli-ligawan? M.U.??
Whatever. Ayokong bwisitin ang sarili ko sa kalandian nila.
"Uyy Siomai!!!" And speaking of kalandian. +___+ Oh bakit biglang lumitaw 'to??
"Uy." Plain na plain kong sagot.
"Musta na? I missed you!!!" Sinigaw niya talaga yan. Tama. Pag-takpan mo ang kalandian mong maharot ka. ~___~
"Hehe. Same here."
"Ang wala mo namang energy Siomai eh!!! Ngayon na nga lang ulit tayo nag-kita.."
"Hmm.. Pagod lang. Sige o-order na 'ko."
"Samahan na kita!"
Sinamahan niya ako sa pag-pila sa Cafeteria. Ano kayang kailangan nito. Baka absent si Hanna.
"Asan si Hanna?" - Ako.
"Malay ko. Nanay ba ako para malaman ko kung nasaan siya?"
"Tsk. Ewan ko sa'yo." Sabi ko sabay abot ng bayad ko.
"Huy.. Bakit ang cold mo sa'kin.." Cold? Tss.
"Ha? Hindi naman ah?"
"Kung nasa normal na kalagayan ka, Siguro sinisigaw-sigawan mo na ako ngayon!! O kaya, tinatarayan at sini-siringan!! I mean, nagba-bagong buhay ka na ba?"
Walangyang 'to? Ano gusto niyang palabasin?
"OH EH ANONG IBIG MONG SABIHIN HA??"
"Oh oh oh.. Chiillll!!! Haha!! See? Mataray ka na ulit!! Uyyyy haha!!!!"
Err..
Napa-pangiti ako.
Okay, inaamin ko. Kahit papaano na-miss ko 'tong taong labanos na 'to.
"Alam mo ba? Ka-age lang pala natin si Hanna!! Nauna lang tayo ng pag-pasok." Hanna na naman. +__+
"Oh?"
"Akala ko talaga mas matanda tayo sa kanya.."
So, ngayon? Malayang-malaya ka na na landiin siya? +______+
"Aah.. Ako rin eh." Sagot ko.
"Ang cute kasi niya, babyface haha!!" Tsk. Ngiting aso.
"Hehe, oo nga eh. Para lang kayong mag-kuya." Kaso mas mukha ata kayong mag-ama. =_=
"Ganun? Hindi kami bagay?" Napa-tigil ako sa pag-subo nun at napa-tingin sa kanaya. Nag-titigan kami. "Haha!! Oh sige Siomai. Una na 'ko ah." Tinapik niya 'ko sa balikat tapos iniwan na niya ako.
"Ganun? Hindi kami bagay?"
Anong ibig niyang sabihin sa sinabi niyang yun??
Gusto niya ba na maging bagay sila ni Hanna??
O baka naman..
Inlove na nga siya kay Hanna..