Ang hirap palang mag-type kapag may kalyo ang hintuturo mo. TT_TT XD Enjoy kayo! Salamat!
*********************************************************************
[ Scene 31 ]
**YUYA’S POV**
“Waaah! Bagay talaga sila!”
“They look perfect together!”
“Mas naging sweet pa sila ngayon!”
Ang ingay na naman ng mga naka-tambay sa may club room kung saan nagre-rehearse ang drama club.
I didn’t bother to look inside. Alam ko na naman kung ano ang nangyayari, base pa lang sa mga naririnig ko.
Dumiretso ako papasok ng campus. Wala naman akong kailangang i-rehearse ngayon.
At ayoko pa rin ng pumunta doon sa ngayon.
Unfair, alam ko.
Umiiwas ako.
Kay Yna, Kay Paolo at sa lahat.
Ayokong maapektuhan sila ng mababaw na dahilan ng pag-iwas ko sa kanila, lalo na si Yna.
Simple lang naman eh.
Nagse-selos ako. Talong-talo na ako eh, alam ko naman.
Masyado nang napalapit si Yna sa’kin. Kailangan ko munang dumistansya.
Masaya na siya eh. Sobra. Sinubukan ko pero hindi ko talaga kaya. Si Paolo talaga ang mahal niya.
Nililigawan na siya ni Paolo, kalat na yan sa buong campus. Saan pa nga ba mauuwi yun?
Kaya mabuti na yung ngayon pa lang eh iwasan ko na siya. Susubukan kong kalimutan ang lahat..
Kahit pati pagka-kaibigan namin.. Maging masaya lang siya.
Ayokong ako ang maka-sira sa kanila.
Her smile just means alot to me. Hindi ko kayang maging maka-sarili sa ngayon.
But if someday, I would find her crying because of him..
I swear I’d do anything to take her, and make her love me instead.
-
**YNA’S POV**
“Curtains down.”
Nagpalakpakan ang mga tao na nanunood sa’min. Kakatapos pa lang ng rehearsals namin. Waaahh! Na-miss kong mag-rehearse kasama siya.. ng walang ilangan ^__^
”That was a good take, keep it up! Mabuti naman at bumalik na ang gana niyo sa stage. You may go to your classes.” Sabi ni Sir at umalis na siya ulit. Kyaaah!! Malapit na kaming mangalahati sa play!
“Uyyyy!! Galing nun ah! Ayeeee!” Tinutukso kami ni Hanna.
“Hanna stop that! Haha!”
“Stop that daw.. Asus.. Haha! Sige mags-start na klase namin.” Kumaway siya at tumakbo palayo.
“Mabuti naman bati na kayo ni Hanna, close na nga kayo eh. Nakakapag-selos.”
”EH?? Sinasabi mo?”
”Wala. Tara na.” Kinuha niya ang bag ko at siya na ang nag-buhat.
Nung papalabas kami, nandun na naman ang tuksuhan at sigawan ng mga students. Nakaka-hiya >////< Si Paolo naman nagmamayabang pa. Gulaaay..
Nakita kong papasok na ng campus si Yuu. Wala siyang scene na ire-rehearse ngayon kaya hindi na siya umattend. Bakit hindi na niya ako kinakausap at binibisita sa room? Nami-miss ko na siya..
Dati naman palagi niya pa akong dinadalaw sa classroom, tapos ngayon ni hindi niya ako tinetext. Bestfriend ko siya, kaya sobrang nami-miss ko yung bonding namin.
Siguro dapat kausapin ko na rin siya.
”Hoy. Lalim ng iniisip ah? Katabi mo lang ako oh, ’di mo na ako kailangang isipin.”
Hinampas ko ang braso niya ng mahina.
”Sumusobra na ’yang kayabangan mo ah? Bigheaded. Pfft.”
Nag-tuloy na ulit kami sa campus habang magka-holding hands.
Ano ba ’to, taking advantage? Nanliligaw pa lang siya, kung maka-hawak naman ‘to ng kamay.
Hindi ko na lang pinapakialaman. Kalandian oh. Haha!
Masaya lang ako at nababawi namin yung mga araw na hindi kami magkasama at ’It’s Complicated’ pa ang status namin.
Ganun na ang daily routine namin ni Paolo.
He’ll pick me up at house, we’ll go to school together, he’ll carry my bag for me and he’ll hold my hand.
At sa tingin ko, ‘yan yata ang daily routine na hinding-hindi ko pagsa-sawaan.
LOL. I’m being corny. It’s your fault, bigheaded white bread. >O<