Scene 49 *Curtains Close*

3.2K 69 44
                                    

Author’s Corner:

Waaaaaaaa!! Salamat po sa lahat ng naging parte ng Love Team, mga nag-basa, nag-comment, nag-vote at nag-like! Lalo na sa mga naging kaibigan ko dahil dito..Haha! Sobrang masaya po ako sa naging resulta nito. I love you all! Tama po ang hula niyo.. Mahaba po ito.


Eto na po ang last chapter. Mami-miss ko ang Siopao-Siomai moments!

**************************************************************************************


[ Scene 49 ]

**YNA’S POV**

“Ayusin niyo yung curtains..”

“Yung mga upuan? Kumpleto na ba?”

”Yung sound system, paki-double check naman..”

”Yung mga costumes ilagay na ng maayos sa dressing rooms!”

“Yes, Sir!”


“Dumating na ba yung mga make-up artists?”

“Yung cast? Kumpleto na ba?”


Lakad doon, lakad dito. Tanong doon, tanong dito. Ako ang nahihilo eh.


“Sobrang busy ngayon ano?” Aba, dumating nap ala si Siopao. Kala ko mangi-indian na naman eh.

”Malamang. Play na mamaya no, baka hindi mo alam.”


Tama, mamayang hapon na yung play. Uwaaaaa! Kaya sobrang chinecheck namin kung nasa ayos na ang lahat para mamaya.


”Ready ka na?” Tanong niya. Nung isang araw niya pa paulit-ulit na tinatanong yan. Hay.

”OO NGA SABI EH.”

”Haha! Chiiiil. Naninigurado lang.”


”Guys, be sure ready kayo mamaya ha? Huwag na munang gagawa ng mga kakaibang bagay para walang aberya mamaya. Haha!” Announcement nung assistant ni Sir.

Ano bang magagawang kakaiba ngayon? Puro booths lang naman ang nasa labas. Sisiguraduhin kong mage-enjoy ako ngayong araw!!


“Saan mo balak pumunta ngayon?” Tanong niya ulit.

“Hmmm. Magli-libot lang sa campus.. Magti-tingin ng booths..”

“Samahan na kita?”


“Uhh.. Sige.” Wala naman kasi akong kasama. Syempre, busy na naman ang SC President na si Sandi. Wala pa si Hanna. Waaaaaa!! Bakit kaya! >O<


Habang naglalakad kami, napadaan sa harap namin si Lindsay. Tumingin siya sa’kin at ngumiti.


Bakit kinutuban ako bigla ng masama nung ngumiti siya? Kinabahan ako bigla!

Wala naman siguro siyang magagawang masama no?


”Huy! Tulala ka diyan?” He snapped.

”E-eh? Wala, may naisip lang. Hehe..”

”Natakot ka sa ngiti ng malditang ’yun?”

”Paano mo nalaman?”

”Eh kahit ako tumindig balahibo ko eh. Haha!”

”Tss. Bading mo. Haha!”


Ganyan na lang ang normal na conversation naming dalawa. Ewan kung may nag-improve ba.. Basta hindi na ako naiilang, pero hindi pa rin buo ang loob ko sa kanya..

Hindi na rin naman niya ino-open yung issue saming dalawa eh, pero nararamdaman ko yung sincerity ng paghihintay niya. Gusto ko lang talaga na, kapag binigyan ko siya ng isa pang chance eh kapag sigurado na ako sa feelings ko at sa feelings niya. Ayoko na ulit ma-heartbroken no!

Magaganda ang booths ngayon, may mga ilang ngayon lang naitayo.


”Tounge-twister booth??” Anong klaseng booth yan? Pero interesting *O*

“Wanna try?” Sabi ni Paolo.

“Game!” Tumakbo kami sa booth.


“Uy, Siopao at Siomai! Magt-try kayo?” Tanong nung tao sa booth. Nyeh? Kailangan ganun ang tawag?

“Uhh.. Yeah?” Sagot ko.


“Okay! Mabuti naman, pang-couple na game kasi ‘to.” Sabi niya. Nyak? Kelan pa?

“Ano ba ang mechanics?” Tanong ni Paolo. Tingnan mo, excited much. Sarap batukan +___+


“Simple lang naman. Bubunot kayong dalawa ng tounge-twisters sa papel na yan. Syempre, kailangang masabi niyo nang tama yan, nang limang beses na tuloy-tuloy.”

“At kapag nagkamali kami?”


“Kapag may isang nagkamali, Yang upuang inuupuan niyo, lalapit nang lalapit sa isa’t-isa hanggang sa magka-dikit kayo. Alam niyo na naman siguro kung anong mangyayari dun.” Aba? High-tech! Ang galing!


On second thought, hindi pala. Haha! Mahina ako sa tounge-twisters!! Natural na twisted na yung dila ko eh!

“Pwede back-out?” Tanong ko.

“Then you’ll pay.”

Patay, wala akong wallet, nasa bag ko sa taas. >O<


Tumingin ako kay Paolo. Tumango siya. AYOS!!! MAKAKAAIS NA AKO!!


“Maglalaro kami.”

“ANOOOOOOOOOOO???!”

Love Team (EDITED)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon