Scene 23

2.7K 44 9
                                    

Dedicated naman sa reader na recently eh nagco-comment na rin sa chappies. Thank You!!!

Gusto niyo pala magbasa ng Oneshot Short story? Meron akong bago. Haha! Makapag-plug naman ang epal na 'to. XDD

Salamat pala kasi kahit hindi naman maihahanay ang story na 'to sa mga popular at hot stories sa wattpad eh you still find time reading this. Thanks a bunch!

*********************************************************************************************

[ Scene 23 ]

**YUYA'S POV**

I don't have any intention of taking her away from Paolo, kahit na gusto ko si Yna, nung una pa lang kaming nagka-kilala.

Wala talaga. Alam ko namang wala akong laban sa kanya eh.

But I never had an idea that I could fall for a girl who threw stones on my face.

But seeing her in pain? It kills me.

"Let me help you.. to heal your wounded heart."

Kaya nga hindi ko napigilang sabihin ang mga salitang yun.

Ngayon lang ako nagkaroon ng lakas ng loob na sabihin 'to.

Kaso, ngayon pa niya ako natulugan. Tsk tsk tsk.

Napa-ngiti na lang ako nang makita kong tahimik siyang natutulog.

Binuhat ko siya at inihiga sa kama.

I kissed her forehead, leaned close to her ears and whispered something.

"Okay lang kahit hindi mo narinig. Maybe it's not yet time. Sugar dreams." Kinumutan ko siya at iniwan na sa clinic. Kailangan niya ng pahinga.

Kung ako si Paolo, I'll treasure Yna. Hindi ko siya hahayaan masaktan nang dahil sa akin.

Kung hindi nga lang masyadong mahal ni Yna si Paolo, matagal ko na siyang kinuha.

But I can't. Ayokong pwersahan siyang kuhanin.

We'll get there.

--

**PAOLO'S POV**

"The number you have dialled is temporarily unavailable. Please try your call later."

Tsk. Damn!!

Bakit ayaw mong sagutin Yna? Sobra ka bang nagalit sa akin?

Argh! Malamang Paolo Oo. Bwisit naman. Ayos na sana kami eh! Konting-konti na lang!!

Sino ba yung partner ni Hanna na nang-indian sa kanya?? Subukan niyang magpakita sa'kin uumbagan ko rin siya.

Ano kayang nang-yari nung nagpunta sa clinic si Yna at Yuya?

Argh. Yung hapon na yun? Napapansin kong palagi siyang kasama ni Yna ah! May HD ata yung hapon na yun kay Yna eh.

Sa tabas ng mukha nun? Mukhang madami nang pinaiyak na babae. Subukan niyang targetin si Yna, tuluyan na niyang hindi maii-mulat yung mga mata niya.

Gabi na nung naka-rating ako sa bahay. Tsk. Yna, kausapin mo naman ako.

Nag-bukas ako ng PC at nag-online. Madalas kasi ganitong oras, online siya.

Pero mukhang hindi ngayon. Tiningnan ko ang profile niya, kagaya pa rin ng kahapon ang feeds na nandoon.

Oo, araw-araw kong tinitingnan ang profile niya.

AAAAAAAAAAAH. Mababaliw na ako kakaisip sa mga pwedeng nangyari at sa mga pwede pang mangyari.

Kailangan masabi ko na sayo lahat. I can't afford to loose you now.

I badly miss her. Yung masungit niyang mukha at yung mga sentences niyang parang laging nasa menopausal period

Kapag kasi nagde-deliver kami ng lines sa rehearsals, alam kong hindi na natural kagaya ng dati

There's this wall that blocks the bond between us.

Yung pagtawag nita sa'kin ng Siopao, at kung anu-ano pang nakaka-bwisit na panga-asar..

Pag sa kanya kasi galing, parang compliment pa rin.

I love it when she wants all my attention.

I love it when she's jealous and angry.

Kaso ngayon, mukhang napa-sobra ata.

Ayokong maunahan ako ng iba. Gusto ko ako lang Yna.

Love Team (EDITED)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon