Author's Corner:
Maikli lang 'to, rush kasi eh ahaha!! Panirang Research. XDDD
*************************************************************************************************************************
**YNA'S POV**
"Ma, I'm home.."
"Oh? How's school?"
"Fine? I guess." Tapos nagtuloy-tuloy na ako sa kwarto ko.
Takteng booklet yan. Nakaka-praning ang mga naka-sulat dun!
Yup, Natapos ko na ang first 10 guide questions. Nagtataka nga rin ako, bakit natawag pang quetions eh wala namang question mark? PSh. Nevermind na lang. =__=
Ano ka'nyo ang mga nabasa ko?
6. Your day would not be complete without him; Even just a glimpse of him would make your day.
7. His emotions or mood swings affects you.
8. You treasure everything that he gave you.
Aray. Dapat ba akong matamaan sa number 8?
9. You want him on your side most of the time.
10. You feel jealous or hurt if you see him with other girls.
Ouch. Jealous or hurt? Ewan.
Gulong sa kaliwaaaaaaaa, NA!!!
Pihit sa kanaaaaaaaaaaan, NA!!!
Tikas pahingaaaaaaaaaaa, NA!!!
Sabay kain, NA!! (Okay, Mcdo na yun. XDDD)
Poootek. Kahit anong pilit kong matulog, hindi talaga sumusunod ang mata ko.
Samantalang dati, mapa-dapo lang sa kama ang likod ko tulog na ako. Abnormal!!
Napa-hawak ako sa leeg ko.
Dun sa bagay na suot-suot ko simula nung binigay niya sa akin 'yun. Since Second year.
"8. You treasure everything that he gave you."
Napa-mulat ako sa naisip ko. Bakit nga ba hindi ko naisip yun?
Sobrang naiinis ako sa kanya..
Pero itong kaisa-isang bagay na binigay niya sa akin, hindi ko mai-tapon tapon..
Ni hindi ko nga ito pinahiram sa iba...
Hindi kumpleto ang pagkatao ko kapag hindi ko 'to suot.. Parang ganun ang feeling.
Nami-miss ko na talaga siya. Inaamin ko na.
"9. You want him on your side most of the time.
10. You feel jealous or hurt if you see him with other girls."
Oo, gusto ko ako palagi ang kasama niya. Ayokong may pinapansin siyang iba higit sa akin. Nasasaktan ako kapag kasama niya si Hanna.
Pero hindi pa naman lahat ng question eh nasasagot ko ng 'YES' eh.. Hindi ko pa naman siguro maco-conclude na... Mahal ko nga talaga siya..
Nata-takot ako.. Nata-takot na akong ituloy ang pagba-basa sa booklet..
Paano kung mapatunayan ko nga na mahal ko siya sa mga susunod na mababasa ko?
Ayokong malaman.. Ayokong masaktan... Nata-takot akong masaktan..
Kahit na ngayon pa lang, nasasaktan na ako.