[ Scene 46 ]
**YNA’S POV**
“Hmmmmmfff!! Thhndmjgklngn nhkjsyoo kmmmm!!!” Aaaaah!! Tulungan niyo ‘ko!! Gusto kong sumigaw pero natatakpan nga yung bibig ko.. >___<
“Shhh!! Wag ka ngang magulo!!” Ay pantae. +___+
“Aray!!!” Binatukan ko siya ng malakas.
”Ano bang ginagawa mo ha?? Bakit may ganyan ka pang trip??? Alam mo bang halos atakihin na ako sa puso sa ginawa mo?!!!” Sigaw ko.
”Gusto lang kitang sorpresahin..” Sabi niya na parang bata, pagkatapos ngumiti.
DuguDug.
Napa-talikod ako sa kanya, nagulat din ako sa biglang pagtibok ng mabilis at malakas ng puso ko eh.
Argh. Heto na naman ako, naga-attempt na tumakas sa awkward na sitwasyon. Sinabi ko ba kaninang I’m ready to face everything?
”Oh, tatalikuran mo na naman ako?” tanong niya. Napatigil ako sa paglalakad.
I bit my lower lip and faced him. Whew.
“Bakit ba?” Mahinahon kong tanong.
“Kumusta?” Toinks.
Kung nasa anime lang ‘tong eksenang ‘to, malamang natumba na ako, una ulo. Napaka-connected kasi ng tanong niya. =____=
“Ano bang klaseng tanong ‘yan? Yan lang ba ang itatanong mo?”
“Masama bang mangumusta? Parang ang tagal nating hindi nagkita eh..” Sumandal siya sa pader.
Anong matagal? Eh kanina lang kasama niya ako sa clinic. Abnormal.
”Oh sige, para sumaya ka naman, ayos lang ako. Okay na?”
”Eh tayo? Kelan magiging okay?” Nabigla na naman ako sa tanong niya.
”Ha? O-okay naman tayo ah?.... di ba?” weh?
”Sabi mo eh.” He shrugged then walked ahead of me. Ay? Bahay niya?
Teka, ihahatid niya ba ako?
“Hoy! Bakit papunta ka dyan?”
“Edi papunta sa bahay niyo.”
“Ha?! Bakit? Anong gagawin mo?”
“Nami-miss ko na sina Mama at Papa, pati si Manang.” Sabi niya at nilagay sa likod ng ulo niya yung mga kamay niya.
Napaka-FC talaga nito. Kinareer ang pagtawag ng Mama at Papa sa mga magulang ko.
”Tss.” Yan na lang ang nasabi ko.
”Pati, nami-miss ko na ang anak natin...” He winked.
Arghhh! May custody na si Sio-Sio! Sa akin na naka-sunod ang last name niya! LOL.
Naka-liko na kami sa huling kanto. Natatanaw ko na nga yung bahay namin oh.
“Ready ka na sa play? Next week nay un ah.” Siya ulit ang nag-initiate ng usapan. Good Boy. ^__^
“Uhuh.” Sabay tango ko pa. “Excited ka, may dress rehearsals pa tayo.”
“Gaano ka-ready?”
“Ever Ready. Haha!!” I joked.
Tinitigan niya lang ako.
“Yeah I know, it’s corny, Okay? Don’t look at me like that. I hate you.”
Tumawa siya. O, edi bumenta yung joke ko. Haha!
“Be sure you are. Hindi mo alam kung anong pwedeng mang-yari.” Sinabi niya yun pagkatapos lumiko na pabalik at naglakad palayo.
Tingnan mo yun? Akala ko bibisita siya?
”Hoy!! Akala ko ba papasok ka??”
Ngumiti na naman siya. Ugh.
”Okay lang, hinatid lang kita. Makakasama ko rin naman kayo nang matagal one of these days. Baka nga araw-araw na ulit. Bye.”
Ano daw yun?
Tsaka, nagbabanta ba siya kanina? Wala naman siguro siyang gagawing hindi kanais-nais sa play.. ’Di ba?