One

3.3K 103 9
                                    


"Jeron."



"Pssst! Jeron!"



I heard little squeaks from my window. And as per usual, nandito na naman si Darna. Ilang bintana na ba ang nasira niyan kakapasok mula doon.



"Aha, ayaw mo talaga bumangon ah."


She started jumping on my bed trying to wake me up. Jesus! Bakit ba ganito tong babae 'to? Akyat bahay na nga, manggugulo pa.



"Stop it Ara! Tsk. Ano na naman ba kailangan mo?" Tanong ko sakaniya. Sumimangot naman ang mukha niya. "Samahan mo ako." Sabi niya at nagpacute pa. 


Ara has been my friend for the longest time. Isa siya sa pinakamalaking panggulo sa buhay ko, pero isa din siya sa mga bumubuo doon. She became my own sister figure, bestfriend, tipsy buddy, and of course, her special job, my matchmaker. If it wasn't for her, I wouldn't be happily married to my wife, Mika. 


"Saan na naman?" Tanong ko sakaniya. Bumalikwas ako ng higa at napansin kong wala si Mika sa tabi ko. Nakita ko naman na 2am palang. "Anak ng teteng naman! Madaling araw nanggugulo ka? Asan ba si Mika?" Tanong ko sakaniya, napababa naman siya sa kama ko.


"Tanga, nakalimutan mo bang nagaway kayo kagabi dahil daw binitin mo siya?" casual niyang sabi. Pinamulahan naman ako ng mukha. Lintek, paano niya nalaman yon?


"Napaka-chismosa mo! Siguro namboboso ka samin?" inis kong saad. "Wow ha, nakakahiya naman ako sa malakas na sigaw ng asawa mo, ano nga ulit yon? "HINDI KA NAKAKATUWA! MAG-ISA KA DIYAN SA SUKDULAN MO, NAMO!" ah oo, tapos kumatok sa bahay ko at sakin daw makikitulog." Pangasar naman niya sakin.



Ara lives alone in her own house beside ours. We both live in a private island beside Panay. Nasa gilid lang namin ang Boracay, pero unlike our expanse, hindi matao dito. Kung tutuusin, dapat gagawing beach resort 'to ni Ara, dahil sakaniya naman ipinamana ito matapos mamatay ang mga magulang niya. Si kuya Jun naman na kapatid nito, naka-base sa Makati para sa business na iniwan sakaniya. Pero dahil tinatamad daw siya, huwag na lang.


Hindi naman talaga kami dapat dito titira ni Mika, pero dahil malapit si Ara saming dalawa, napagpasiyahan namin na samahan na lang siya. Magulo, isip-bata, at masayahin man tignan si Ara, pero alam namin na hindi niya maiiwasang maramdaman na mag-isa siya. So ayan, we built our own house beside hers. 



"Saan ka ba kasi pupunta?" ulit kong tanong sakaniya. "Mamimingwit ng mangga tsaka buko." 

The Lost One (ThomAra)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon