Mr. Troublemaker without Her

3.1K 81 0
                                    

Chapter 1

Daniele's POV

6:03 am.

Nagsimula na akong magluto. I'm making the best omelette in town. Lumamig na sana ang ulo niya. I don't want her to get mad at me.

After kong maluto ang omelette ay gumawa naman ako ng hot choco. Sana naman magustuhan niya ito. Nilinis ko na ang kusina tsaka 'ko inihanda ang mga pagkain sa mesa. Hinubad ko na ang apron ko tsaka ko muling tinignan ang orasan.

6:30 am.

Not bad. I'll still be early for school. Naghugas muna ako ng kamay ko nang mapansin kong may pumasok sa kusina. Humarap ako sa kanya and smiled.

"A beautiful morning with a delicious breakfast for my gorgeous queen!"

Tumaas ang kilay niya but I just giggled. Inalalayan ko siyang maka-upo sa upuan tapos ako naman ang umupo sa tapat niya.

"What's this?"

Nilakihan ko pa ang ngiti ko tsaka 'ko itinuro sa kanya ang mga inihanda ko.

"Omelette with hot choco. No coffee. Makakasama sa health mo ang sobrang pagkakape."

I said, then I winked at her. She rolled her eyes.

"Ano 'toh? Pampalubag-loob? Peace offering dahil sa muntikan mo nang paghalik sa akin kanina?"

Napakamot ako sa batok ko.

"Sort of."

"Alam mo, kung 'di lang talaga kita anak, malamang nasa presinto ka na ngayon!"

"Grabe naman, Ma! 'Di naman kita ni-rape!"

"What the h*ll, Daniele De Guzman?!"

Iniharang ko ang braso ko sa mukha ko dahil hawak-hawak na ni Mama ang tinidor. No! Not my handsome face!

"Ma! I'm just kidding!"

"Ewan ko sayo! Namumuti ang buhok ko nang dahil sayo eh!"

Ibinaba ko na ang braso 'ko tsaka ako bahagyang tumawa.

"Ma, I'm not the reason kung bakit namumuti ang buhok niyo. Part ng aging yan, Ma."

"Ikaw talagang bata ka!"

Napatayo ako nang muling hawakan ni Mama ang tinidor.

"Ma! Ibaba mo na nga yan! Baka mapatay niyo 'ko!"

"Talagang mapapatay kita kapag hindi ka pa tumigil!"

Natawa na lang ako kay Mama.

"Sit down, Daniele. I have to tell you something."

Biglang nagseryoso si Mama kaya umupo na ako kaagad. Uminom muna siya ng hot choco tsaka niya ako tinignan.

"Natakot talaga ako kanina nang muntik mo na akong halikan kaya nasampal kita. But I'm not scared na hahalikan ako ng sarili kong anak. I'm scared of the idea na baka mamaya, sa bar ka maglasing and someone will take advantage of you."

Chasing Ms. Disaster Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon