Slowly Finishing

911 39 1
                                    

Chapter 41

Saphie's POV

It's Monday so I decided to do something productive.

Inayos ko yung munti kong bulletin board. Hindi naman porket nag-decide akong wag nang ituloy ang plano ko kay Daniele ay titigil na rin ako para sa mga plano ko sa iba.

May heart sticker na ang picture nina Emily, Andrew, Ryan at Mae. Bigla kong naalala na kailangan ko palang i-check kung lumapit na ba sa foundation namin si Kyle.

"Iba-iba po ang mga buildings ng foundation diba? Saan pong branch ito?"

Tanong ko kay Butler James habang inilalagay sa contact ko ang number na ibinigay niya sakin. Madalas siyang utusan ni Dad noon na tawagan si ganito, tawagan si ganyan, lalo na kapag wala ang secretary nito kaya may listahan si Butler James ng mga numbers. Ayokong hingin 'toh kay Kuya dahil siguradong magtatanong iyon ng kung ano-ano.

"Iba-iba po ang building ng foundation niyo pero iisa lamang ang opisina nila."

Napatango-tango ako sa sinabi niya. Medyo hindi ko kasi saulo ang mga properties namin. Hinahayaan ko na muna na si Kuya ang mag-handle ng mga iyon.

"Thank you, Butler James!"

Mabilis ko pang niyakap si Butler James tsaka ako nagmadaling tumakbo. Natulala pa siya sa ginawa ko! Ha-ha!

"T-Teka sandali!"

Sigurado akong magtatanong din siya kahit papaano kaya dapat maka-alis na ako!

Nagmamadali akong lumiko sa—

"Aaah!"

"Aray!"

Napahawak ako sa likuran kong tumama sa sahig matapos kong bumagsak. Ouch, ang sakit!

"Lady Saphie! Fei! A-Ayos lang ba kayo?"

Napatingin ako kay Ate Fei, isa sa mga kasambahay namin, at nakita kong napahiga rin pala siya. Nagkalat sa paligid ang mga dala niyang kumot at unan.

"Ate Fei? Ayos lang po kayo?"

Medyo nag-alala ako. Shocks! Ang clumsy ko kasi! Hindi ko siya nakita!

Nagulat ako nang bigla siyang tumawa.

"Ang saya nun, Ma'am! Ha-ha!"

Napatigil si Butler James sa paglapit samin. Bigla na rin akong nahawa sa tawa ni Ate Fei at mayamaya pa ay nakitawa na rin si Butler.

Biglang akong napahawak sa dibdib ko. Naiyukom ko ito habang pilit pinapakalma ang puso ko.

"M-Ma'am?"

"Lady Saphie!"

Nilapitan agad ako ni Butler James. Hinawakan niya ang siko ko para dahan-dahan akong itayo.

"H-Hala! A-Anong nangyayare kay Ma'am?!"

Pinilit kong ngumiti sa kanila kahit naninikip pa rin ang dibdib ko.

"I-I'm.. F-Fine."

Tumingin si Butler James kay Ate Fei na nakatayo na rin.

"Maayos siya, Fei. Nasobrahan lang siguro sa tawa. Sige na, bumalik ka na sa trabaho mo."

Nag-aalangan man ay sumunod si Ate Fei sa utos sa kanya. Saglit pa niya akong tinignan bago siya umalis.

Chasing Ms. Disaster Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon