The Truths

1.5K 48 3
                                    

Chapter 26

Saphie's POV

"Saphie! Saphie, wake up!"

Dahan-dahan akong napamulat ng mata.

"Saphie? Saphie, please open your eyes."

Lumingon ako sa kanan ko at nakita ko si Christopher na nasa gilid ko. Ulo lang niya ang kita ko dahil nasa taas ako ng double decker na kama.

"Huh?"

Para siyang nakahinga ng maluwag. Sumampa siya sa unang palapag ng double decker kung saan natulog si Emily at tsaka niya ako niyakap.

"D*mn. Bakit ka ba kasi tulog mantika?"

"At bakit ka ba kasi paranoid?"

Natatawa kong sabi sa kanya. Inalis na niya ang pagkakayakap niya sakin tsaka niya ginulo ang buhok ko.

"Palagi mo na lang kaming pinapakaba. Bumangon ka na diyan! Ikaw na lang ang hinihintay!"

Bigla akong napa-upo sa kama ko.

"Seriously?!"

Tumingin ako sa may glass door ng veranda. Medyo madilim pa.

"Kidding! Naliligo na ata sina Erika pero lahat ng boys tsaka si Sharmaine at Emily nasa labas na. Kanina pa kaya pack-up."

Bumaba na ako sa double decker. Kumuha ako ng damit mula sa backpack ko tsaka ako dumiretso sa banyo. Nang matapos na ako sa mga rituwal ko ay lumabas na ako dala ang gamit ko dahil iniwan lang naman ako ng magaling kong guardian.

"Good morning, Dreamgirl!"

"Ay, shocks!"

Dahil sa gulat ay bigla akong natalisod pag labas ko ng pinto. Nasalo naman ako ni Daniele kaya lang nabitawan ko yung bag ko.

"Pfft! A-Are you okay?"

Tinignan ko ng masama si Daniele. Umayos ako ng tayo at agad kong nilapitan ang bag ko.

"Shocks. Shocks. Naku naman. Please tell me they're fine."

"Huh? Tulog ka pa ba, Saphie?"

I didn't mind Daniele. Binuksan ko ang bag ko at kinuha mula roon ang dalawa kong camera. Yung SLR ko tsaka yung water-proof kong camera. I tried to open it and thank God at mukhang wala namang nangyare.

"Oh. Diyan pala nakalagay yan. Ako na ang magdadala."

Tinapik ko ang kamay ni Daniele na hahawak sana sa strap ng bag ko.

"Una, are you serious? You'll carry my bag?"

Natawa siya sa reaksyon ko. Well, Daniele is not one of those ideal guys.

Troublemaker, Cussing King, and not a fan of chivalry.

But despite of his flaws, I still love him.

Loved, I mean.

"Hey! Grabe ka naman! Pwede naman akong magpaka-gentleman minsan!"

Napailing na lang ako. Aarghh. What's with that random thought? Ngayon ko lang naisip na big deal pala ang past, present and future tense na yan. That placing -d or -ed at the end of the word is really important.

"Eto na lang sayo. I can't let you carry my cameras."

Inabot ko sa kanya ang isa kong bag. Tumayo na ako at isinuot sa likod ko ang backpack ko. Nagsimula na kaming maglakad papunta sa parking ng resort kung nasaan ang van.

Chasing Ms. Disaster Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon