Road Trip

1.3K 44 11
                                    

Chapter 32

Saphie's POV

Nakatitig lang ako sa salamin.

Hindi na gaanong namumula ang mga mata ko pero medyo halata ang eyebags ko.

Pero hindi naman yun ang inaalala ko.

Naka-tank top kasi ako na color light blue. Medyo halata yung ICD dahil medyo mababa ang neck line pero 'di naman umaabot sa point na makikitaan na ako ng cleavage.

Should I change? Baka mahalata ni Daniele ang ICD ko..

I heard a few knocks in the door.

"Saphie? Are you ready?"

Huminga ako ng malalim at lumapit sa kama ko. Sinuot ko ang long sleeve jacket ko. Itinaas ko yung zipper hanggang sa may bandang tiyan ko. I'm also wearing a high-waist pants.

Hinila ko ang maleta ko pero dumulas ito sa kamay ko at bumagsak. Kinuha ko lang ulit at hinila. Agad na bumungad si Christopher sa pinto pagbukas ko nito.

He slept here last night. He's with me all the time. But I can't do that to him.

I mentally sighed. Overthinking kills me.

"H-Hi. Daniele is waiting for you."

Tinignan ko ang oras sa phone ko. 15 minutes bago ang napag-usapang oras.

"Okay."

Maglalakad na sana ako pababa ng hagdan nang hawakan niya ang wrist ko.

"Saphie.."

"Hmm?"

Nilingon ko siya at kinuha naman niya sakin ang maleta ko.

"Please take care of yourself."

I smiled at him.

"I will."

"And please enjoy this whole trip."

Hindi ako nakapagsalita sa sinabi niya. Tinitigan niya ako sa mga mata.

"Enjoy this whole trip with him. Be happy. Be in love."

Napayuko ako.

"Because it can be the last?"

I almost whispered. Hinawakan niya ang chin ko at itinaas yun para makita ko ang nakangiti niyang mukha.

"No. Because I'm still hoping that you'll change your mind."

No, Christopher. I think, I won't.

"Or at least postpone your plan?"

Ngumiti na lang ako sa kanya at niyakap siya.

"Thank you so much."

He hugged me back.

"I love you, Saphie."

Ngumiti ako. Christopher is an only child and I think, he found the sister he wants in me.

Nang kumalas siya sa yakap niya ay ako naman ang nagsalita.

"I love you too, Kuya Christopher."

"Oh, sh*t. Hindi bagay!"

Nagtawanan kaming dalawa. Siya na ang nagbaba ng maleta ko sa hagdan. Habang bumababa ako ay nakatingin ako kay Daniele. He's wearing earphones at mukhang hindi pa niya napapansin na nandito na ako.

He's so handsome while wearing his V-neck blue shirt and pants.

"Huy! Nandito na sinusundo mo!"

Chasing Ms. Disaster Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon