Final Goodbye

922 40 18
                                    

Chapter 52

Saphie's POV

Pwede ka palang lumutang kahit dama mo pa rin ang lupa. Parang tumigil ang mundo. Pakiramdam ko ang nandito lang ay ang mga bituwin, si Daniele at ako.

But when he started moving his lips, I instantly came back to the reality.

A tear escaped my eye. I lightly pushed him at napabitaw naman siya sakin.

"Saphie.."

Napayuko ako nang makita ko ang hindi makapaniwalang itsura niya maging ang ngiti niyang 'tila hindi na mabubura.

"Game over."

I whispered. Humakbang din ako ng isa palayo sa kanya.

"W-What?"

"I s-said, game over."

Para sakin, kapag nagmamahal ka ng totoo may dalawang bagay kang kayang gawin, ang lumaban at sumuko.

At pinipili kong sumuko. Susuko na ako dahil alam kong ito ang mas tamang gawin. Kapag lumaban ako, sabay kaming mamamatay sa sakit. Pero kapag sumuko ako, ako lang. Oo, masasaktan siya pero sandali lang. Dahil sisigiraduhin kong mababalot ng galit ang puso niya na hindi na niya hahayang mahalin pa ako nito.

At ako na lamang mag-isa ang mamamatay sa sakit.

"W-What? H-Hindi kita maintindihan."

"Tapos na, Daniele. Lahat nang ito, sa wakas tapos na. Kahit tayo."

Tumalikod na ako sa kanya dahil hindi ko na talaga kaya. Ni hindi ko magawang tumingin sa kanya.

"Saphie, no! Ano bang sinasabi mo?"

Hinawakan niya ang kamay ko at pilit akong inihaharap sa kanya pero umaayaw ako at muling tumatalikod.

"Saphie, ano ba? Pagusapan naman natin 'toh ng maayos! Eh ni hindi mo ako tinitignan eh! Ano bang—"

Pumikit ako tsaka ako humarap sa kanya at tinulak siya.

"Ano pa bang gusto mo, Daniele?! Hindi mo ba talaga naiintindihan ha?! I just played with you! Naintindihan mo? I. Played. With. You!"

Pagdidiinan ko habang tinutulak-tulak siya.

Doon ko lang napansin na natiglan ang mga kaibigan namin sa paglapit samin.

"H-Hindi."

Napabalik ang tingin ko kay Daniele na parang hindi makapaniwalang nakatingin sakin.

"Imposible yang sinasabi mo, Saphie. Y-You're not that kind of person—"

"Well, I am now!"

Nakipagtitigan ako sa kanya. Kahit ang hirap-hirap, tinignan ko siya.

"This is me now. Yung.. Yung Ms. Disaster na sinasabi mo? Wala na siya, Daniele. Nawala siya, the moment na sinaktan mo ako. The moment, na tumalikod ako sayo sa airport na yun at hindi mo ako hinabol. Nawala siya dahil sayo!"

Tumingin ako sa gilid ko. Ni hindi siya makapagsalita ng kahit na ano. Tumingin ako sa kanya at umarte.

"Sa tingin mo ba talaga, ganun na lang yun? Na basta ako babalik dito para sa isang contest? No! Hindi ako babalik dito at magtitiis na makita ka for nothing!"

Chasing Ms. Disaster Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon