Jealousy Game

1.3K 43 5
                                    

Chapter 33

Saphie's POV

"Saphie.."

My eyes are still close. Parang ayoko pang bumangon. Gusto ko pang matulog.

"Hey, wake up."

"Hmm.."

Kinapa ko ang kumot ko at itinaklob ko yun sa ulo ko.

"Saphie, wake up."

"Uhh, ano ba kasi?"

Dahan-dahan kong dinilat ang mga mata ko habang inaalis ko sa ulo ko ang blanket ko.

"Aaaahh!"

Umikot ako sa kabilang side pero nahulog ako sa kama dahil nasa pinaka dulo na pala ako. Tawa nang tawa sakin si Daniele.

Paano ba naman kasi?! Pagtanggal ko ng kumot, mukha agad niya ang bumungad sakin!

"Good morning, sleepyhead."

Naka-dapa siya ngayon sa kama ko habang nakasilip ang mukha sakin. Tinataas-baba pa niya ang magkabila niyang kilay.

"Tss. Ang aga-aga, nambubulabog ka! And what are you doing here? Gusto mo ba talagang maitak ka na ni Mang Romeo?"

Kahapon kasi after naming kumuha ng mga litrato ay bumalik kami rito at muling nakatulog. Nagising na lang kami na nagsisisigaw si Manang Soledad habang si Mang Romeo naman ay may hawak na itak. Akala kasi nila, kung sino na ang katabi ko. Nakadapa kasi si Daniele nun.

Gusto ko ulit matawa! Laptrip kaya ang reaksyon ni Daniele kahapon nang makita niya ang itak!

"Nope. Nagpaalam na ako na gigisingin kita. Come on! Take a bath!"

Tumayo na siya sa kama ko at sinundan ko lang siya ng tingin.

"Ha? Aalis na tayo? Wala munang breakfast?"

"Yup! We'll go somewhere at doon tayo magbe-breakfast. Hurry up!"

Tuluyan na siyang lumabas ng kwarto ko. Kinapa ko ang phone ko mula sa side table at tinignan kung anong oras na.

3:30 am

Napangiti ako.

So early, Dreamboy.

---

Tahimik kaming bumibiyahe ni Daniele. I insisted to open the windows kaya malaya kong naisasandal sa bintana ang ulo ko at natitignan ang mga stars. 4 am palang kaya medyo madami pa sila.

Biglang kumalam ang sikmura ko kaya nagkatinginan kami at sabay na tumawa.

"I won't ask you anymore if your hungry. Your stomach says it all."

"Ha-ha! Ang tagal naman kasi eh! Malayo pa ba tayo?"

"Kapag naramdaman mong lumalamig na, ibig sabihin malapit na tayo."

Napaisip ako sa sinabi niya.

Lumalamig? Paano namang lalamig sa Batangas eh—

Oh my gosh.

"Don't tell me we're going to Tagaytay just to eat breakfast?!"

"Absolutely."

Tinignan ko siya ng hindi makapaniwala.

"Unbelievable! Ginutom mo ako para makapag-breakfast sa Tagaytay?"

Natatawa niya akong tinignan bago niya ibinalik ang tingin sa daan.

Chasing Ms. Disaster Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon