Sebastian's Love Life

1.1K 56 1
                                    

Chapter 23

Saphie's POV

Naglalakad ako sa pasilyo habang may bitbit na basket ng prutas. Biglang nag-ring ang phone ko kaya tumigil muna ako sa paglalakad tsaka ko iyon sinagot.

"Yes?"

|Where are you? Tumawag ako kay Butler James, nagpahatid ka raw sa isang grocery store tapos hanggang ngayon hindi ka pa ulit nagpapasundo sa kanya?|

I rolled my eyes at nagsimula na akong maglakad.

"Christopher, bakit pa ako magpapasundo? Walking distance lang naman ang grocery store sa ospital."

|What?! Anong ginagawa mo sa ospital?! May—|

"Wala, okay? Dadalawin ko yung tatay ni Sharmaine. Yun lang."

Nakarinig ako ng paghinga ng maluwag sa kabilang linya.

|You should've told me para sinundo kita tutal nandito na rin naman ako.|

"You're here? That's good! May sasabihin ako sa inyo eh."

|Okay. We'll wait for you here. Take care, Princess.|

"Shhh! Stop calling me Princess! Kapag nagselos si Sharmaine, bahala ka!"

Natawa lang siya sa kabilang linya at napanganga na lang ako ng ibaba niya ang tawag.

Tignan mo yun! Wala man lang bye!

Kapag aalis, kailangan nagpapaalam! Ang sakit kayang maiwan!

Okay. Enough with the hugot. Nahahawa na ako dun sa story na nabasa ko.

Pumasok ako sa elevator at nang magsara ito ay bahagya akong nahilo kaya napakapit ako sa may gilid. Medyo napapikit din ako.

"Okay ka lang, miss?"

Napadilat ako at napatingin sa babaeng nagtanong sakin. Naka-shirt at pants lang siya kaya siguro bumibisita lang din siya rito.

"Ah, yeah. Thanks."

Huminga ako ng malalim. Lumabas na ako nang bumukas ito sa pupuntahan kong floor tapos ay dumiretso na agad ako sa kwarto ng tatay ni Sharmaine. Kumatok muna ako at saktong si Christopher ang nag-bukas.

"Hi, Christopher!"

Ngumiti siya sakin. Medyo nagka-eye bags siya pero halata mo ang saya sa mukha niya.

"Good morning."

Nilagpasan ko na siya at agad kong niyakap si Sharmaine.

"Saphie! Mabuti't napadalaw ka?"

"Yup! Good thing wala tayong pasok ngayon dahil tapos na ang exam week."

Nagtawanan kaming dalawa bago ako humarap sa tatay niya na nakahiga sa kama nito.

"Good morning po. Ay, may dala nga po pala akong fruits."

Inilagay ko na ito sa may side table. Compared sa huli naming pagkikita, mukhang mas okay siya ngayon.

"Salamat, hija."

Ngumiti lang ulit ako sa kanya.

"Pwede bang iwan niyo na muna kami?"

Napatingin ako bigla sa tatay ni Sharmaine. Nakita ko naman sa peripheral vision ko na nagkatinginan din sina Christopher at Sharmaine.

"Ah.. Eh.. Is it okay with you, Saphie?"

Chasing Ms. Disaster Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon