Unexpected Driver

1.3K 51 7
                                    

Chapter 24

Saphie's POV

All set na ang lahat! Dalawang backpack ang dala ko since one week kaming mawawala.

"Butler James?"

Kumatok ulit ako sa pinto ng kwarto niya. Madaling araw na kasi at ako lang ata ang gising.

Maya-maya ay bumukas na ang pinto. Kinukuskos pa niya ang mata niya. Naka-puting shirt lang si Butler James at naka-pajama. Ang cute niya tuloy tignan.

Bakit kaya hindi naka-hanap ng love life 'tong si Butler James? Mabait na, may itsura pa. Hanapan ko kaya? Hehe!

"Oh, Lady Saphie. May kailangan po kayo?"

"Magpapaalam na po ako. Nandiyan na po kasi sa labas si Daniele."

Actually, ilang minuto lang akong naghanda. Ni hindi ko pa nga nasusuklay ang buhok ko at basang-basa pa ito. Mabuti na lang at ayos na ang gamit ko.

Si Daniele kasi! Napaka time conscious! Hindi ata siya well-informed about Filipino Time. Masyado siyang excited.

"Ganun po ba? Tara po."

Kinuha niya ang mga backpack na dala ko at hinayaan ko na lang siya. May hawak din kasi akong paper bag na may mga cookies, oreos, and such.

"Finally!"

Tumayo ng maayos si Daniele mula sa pagkakasandal niya sa kotse nang makita na niya kami at mukhang inip na inip na talaga siya.

"Bakit? Nakakapagod bang maghintay?"

"Kung ikaw ang hihintayin ko, hindi ako mapapagod. Pero sana man lang, pinapasok mo muna ako sa bahay niyo!"

Natawa ako sa kanya. Kinuha niya kay Butler James ang backpacks ko tsaka ngumiti rito.

"Good morning, Butler James. Ako na ang bahala sa alaga niyong makulit."

Tinignan ko ng masama si Daniele. Napaka eh!

"Ikaw talaga ang bahala. Kapag ang Elenda Princess ay napahamak, magpaalam ka na."

Napalunok naman si Daniele habang napailing lang ako.

"Sige po, Butler James. Bye! Ingat po kayo diyan!"

Binuksan ko na ang pinto ng sasakyan ni Daniele tsaka ako muling kumaway kay Butler James. Nang pumasok siya sa loob ay tinignan niya ako.

"What?"

Wait. Nakapag-toothbrush naman ako. Nakaligo. I made sure na wala akong muta o tulo-laway. Kaya bakit niya ako tinitignan ng ganyan?

"Tumalikod ka nga."

Kumunot ang noo ko pero sinunod ko na lang siya. Nagulat na lang ako nang bigla niyang punasan ang buhok ko gamit ang scarf niya.

"A-Anong.."

"Wag mo ngang hinahayaang basang-basa yang buhok mo. Pati likod mo mababasa."

Hinawi niya sa harapan ko ang buhok ko tsaka siya ngumiti sakin at umayos na ng upo. Nag-seatbelt siya kaya ganun na rin ang ginawa ko.

Chasing Ms. Disaster Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon