The New Girl

1.1K 39 14
                                    

Chapter 46

Saphie's POV

All is set!

Sa wakas, natapos na rin ang sembreak namin. Back to school na kami at haharapin na naman namin ang realidad ng buhay.

Habang nag-aayos ako ay muli kong naalala ang mga sinabi sakin ni Sharmaine nang magka-usap kami after ng engagement party ni Emily.

"Thank you talaga, Saphie. Alam mo noong araw na iyon, I felt like my world is falling apart. I regretted everything I did. Sabi ko, bakit nga ba pumayag pa ako sa deal natin? Pwede ko namang sabihin sayo na may deal man o wala ay gagawin ko iyon. Bakit nga ba nagpakaduwag ako? If I decided to be brave for Christopher, none of these will happen. Hindi ko alam kung susundan ko ba siya o iiyak na lang ako sa isang tabi. I even questioned myself, na sana kung sasaktan ko lang din pala siya ng ganito ay hindi ko na dapat nilapitan pa siya ulit. He could love someone else and be happy. Kaso naisip ko, that will hurt me so much and I'll not be able to bear it. Kaya nang mahimasmasan ako, paulit-ulit ko siyang tinawagan. Pinuntahan ko siya sa bahay nila, sa bahay niyo, kahit saan! Nang tawagan niya ako na naiintindihan na niya ang lahat at naniniwala na siyang mahal ko talaga siya na nagso-sorry pa siya sa pagkwestiyon noon, halos sumabog ako sa saya. I never felt this kind of happiness. Ngayon lang. And this is all because of you. Thank you, Saphie."

Napabuntong hininga ako sa tapat ng salamin.

"He could love someone else and be happy."

"Lady Saphie?"

Lumingon ako sa may pinto ko at pinanuod ang dahan-dahang pagbukas nito.

"Ipinapatanong po ni Sir Christopher kung sasabay raw ho kayo sa kanya?"

After that attack, dito na muling natulog si Christopher. Hindi ko alam kung alam na ito ni Sharmaine pero gusto ata ni Christopher na rito muna siya mag-stay para mabantayan ako kapag nasa bahay ako.

"Ah, hindi po. Susunduin ako ni Daniele."

Tumango siya at lumabas na. Kinuha ko ang phone ko pati na rin ang bag at camera ko tsaka ako lumabas ng kwarto. Sakto na pagkalabas ko ay nasa tapat na rin ng bahay si Daniele. Pumasok ako sa sasakyan niya at nagsimula na siyang mag-drive.

"Anong oras ang labas mo mamaya?"

Napalingon ako sa kanya.

"3 pm, I guess. Why?"

"Sh*t. Hanggang 6 pm ang training namin ng basketball."

"Okay lang. Sasabay na lang siguro ako kay Christopher or magpapasundo kay Butler James."

Nanahimik siya kaya napalingon ako sa kanya. Nakakunot ang noo niya at parang seryosong-seryoso.

"Daniele, it's okay. Hindi kita driver para ihatid-sundo ako."

Napatingin siya sakin at parang nagulat pa siya.

"Buti hindi mo sinabing hindi mo ako boyfriend. Ang sakit nun pag nagkataon. Ha-ha!"

Hindi ako tumawa sa biro niya.

Oo nga pala. Hindi ko nga pala siya boyfriend. Wala nga palang 'kami'.

"Huy! Ito naman, nagbibiro lang ako. Kung sinasagot mo na kasi ako, edi may boyfriend ka na."

Chasing Ms. Disaster Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon