End Of The Trip

1.1K 54 6
                                    

Chapter 29

Saphie's POV

Pinunasan ko ng tuwalya ang basa kong buhok. Kakatapos ko lang kasing mag-shower. Si Emily naman, nasa banyo pa.

Nasa isang hotel nga pala kami rito sa Quezon. Tigda-dalawa na kami sa isang room. Magkasama si Erika at Sharmaine, Sheila at Mae, Daniele at Ryan, Sebastian at Andrew tapos ay si Christopher at George. Mabuti naman at hindi gaanong nagbago ang pagtingin nila kay George.

Tinignan ko ang phone ko at nanlaki ang mga mata ko nang makita ang sandamakmak na missed calls ni Kuya Mark. Nag-send na lang ako ng text sa kanya since mahal ang overseas call.

Kuripot kapatid here! Ha-ha!

To: Kuya Mark

Sorry hindi ko nasagot yung mga tawag mo. Bakit ka nga pala tumawag, Kuya? Is everything okay?

Kinakabahan kasi ako sa tawag niya eh.

Buntis kasi si Ate Yannie and so far, medyo maselan ang pagbubuntis niya. Siyempre, OA ang Kuya ko kaya pag ganyang ang dami niyang missed calls ay kinakabahan ako.

"Are you okay, Saphie?"

Napalingon ako sa harap ko. Tapos na palang mag-shower si Emily. Napatulala siguro ako noong nag-iisip ako kanina.

"Ah, y-yes. Okay ka na?"

Tumango siya.

"Tara na! Gutom na ako eh!"

Natawa siya sakin. Ikinawit niya ang braso niya sa braso ko tsaka kami sabay na lumabas ng room namin. Pumunta na kami sa may ground floor ng hotel kung nasaan ang restaurant at nandoon na agad silang lahat.

Nagsimula na kaming kumain and grabe! Sobrang sarap ng foods!

Biglang nag-vibrate ang phone ko kaya kinuha ko yun sa bulsa ko.

"Oh. Who's that?"

Napatingin ako kay Daniele na pinipilit tignan ang screen ng phone ko. Katapat ko kasi siya.

"Wait. Si Kuya."

"Dito mo na lang sagutin, Saphie."

Tumango ako kay Christopher. Tinatamad din akong tumayo eh.

"Hello? Kuya?"

|F*ck it, Saphie! Sh*t!|

Napakunot ang noo ko.

"Kuya? Bakit ka ba nagmumura? Tsaka bakit ka sumisigaw?"

|Saphie, si Yannie!|

Bigla na naman akong kinabahan. Napatigil na silang lahat at napatingin sakin.

"W-Why? What happened to Ate Yannie, Kuya?"

|Nanganak na siya! Oh, d*mn!|

"What?! Really?!"

"Teka, teka! Anong sabi?"

Napatingin ako kay Cristopher at ini-loud speaker ko naman si Kuya.

"Nanganak na raw si Ate Yannie!"

"What? Talaga?"

"Wait. Siya yung girlfriend ng Kuya mo diba?"

"Na asawa na niya ngayon?"

"Oh my gosh! The famous Elenda Prince!"

Natawa na lang ako sa kanila tsaka ko itinapat ang bibig ko sa phone ko.

Chasing Ms. Disaster Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon