Suspicions

1K 42 8
                                    

Chapter 40

Saphie's POV

Another boring day.

Dahil sa nangyareng accident kahapon, pinagkaisahan namin ang boys. Pinilit namin sila na mag-stay lang sa kani-kanilang bahay para makapagpahinga. Once na lumabas sila, we'll tell their parents about what happened.

Ayos diba? Ha-ha!

Laptrip pa nga si Sebastian kahapon. Pagka-balik nila ay tumawag si Sheila kay Mae dahil naka-patay raw ang phone ni Sebastian. After she learned what happened ay katakot-takot na sermon ang inabot ni Sebastian sa kanya. Naka-loud speaker pa kaya rinig na rinig namin. Nag-away pa sila pero at the end ay nag-sorry rin sa isa't isa tsaka nagtawanan.

They act as if they are a couple but they're not. Hindi ko rin alam kung maganda ba yun o masakit. But based on my own experience, it's so good at the beginning and very painful at the end.

Siyempre, hindi ko hahayaang mangyare yun kay Sheila at Seb. I'll make a way!

Naputol ang pag-iisip ko tungkol sa mga bagay-bagay nang tumunog ang phone ko. Agad ko itong sinagot.

|Best friend! Are you free today?|

Umupo ulit ako sa kama tsaka ko inilagay sa lap ko ang librong kanina ko pa pinipilit basahin pero hindi ko maintindihan dahil nga sa lumilipad ang isip ko sa iba.

"Yup! Why?"

|Oh my gosh! Gala tayo please?|

Natawa ako sa kanya. Dahil may mga kanya-kanya kaming inaasikaso sa buhay at magkaiba ang course namin, bihira na lang kaming mag-bonding.
Somehow, I miss being with her. Yung kami lang.

"Oo naman! Kanina pa ako bored dito sa bahay."

|Good! Magbihis ka na! Should I bring my driver or yours?|

"Or! I can drive."

Nakangisi kong sabi. I know Christopher said I can't pero ang tagal na naman nung nangyare noon na pumunta ako mag-isa sa sementeryo at doon hinimatay nang kasama ko pa si Daniele. Siguro naman, pwede na ngayon.

|Seriously? Nagda-drive ka na pala?|

Oh? Hindi ko pa pala nababanggit sa kanya? Ang sama ko atang best friend!

Medyo nagi-guilty akong napakamot sa batok ko.

"Y-Yah. Kaso, pinagbabawalan ako ngayon ni Christopher. Magpapaalam na muna ako sa kanya."

Natawa sa kabilang linya si Emily. Medyo natawa rin tuloy ako.

|I think it's better kung magpa-drive na lang tayo. Mas safe nga naman. Two years kang nawala, Saphie. Nagbago na ang ibang daan dito.|

Gusto ko sanang sabihin sa kanya na wag naming piliin ang safe side. Na mag-take risk kami. Mag-adventure. Kaso alam kong may point siya.

And sometimes, it's not how you can take risk. It's about being in the safe side for the betterment of everyone.

"Okay. It's settled then?"

|Yup! Driver ko na lang. Pwede bang mag-ayos na rin tayo ng requirements sa school? Si Andrew kasi, sa isang araw pa raw.|

Chasing Ms. Disaster Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon