There are no US

2K 68 2
                                    

Chapter 10

Daniele's POV

Umupo ako sa lapag at sumandal sa pader. Hinilamos ko ang palad ko sa mukha ko.

Alam kong lalaki ako pero hindi ko maiwasang umiyak. Isa pa, si Saphie na mismo na mismo ang nagsabi sa akin noon. Umiyak ako kung naiiyak ako.

At naiiyak ako.

F*ck it. Ang sakit.

"Bro, kanina pa kita hinahanap—"

Umiwas agad ako ng tingin kay Ryan na kakaakyat lang dito.

"Are you crying?"

"Isn't obvious?"

Pinunasan ko ang mukha ko.

"It's okay. I'm also close to crying."

Napatingin ako sa kanya. Nakakunot ang noo ko pero inunahan na niya ako sa pagsasalita.

"Tell me what happened."

Sumandal siya sa pader na nasa tapat ko at nagpamulsa. Napaiwas ulit ako ng tingin.

"I..I told her that I love her and this time, I'm really sure about what I'm feeling."

"And?"

"She told me she doesn't love me anymore."

Tumayo na ako at bumaba sa hagdan. Nakasunod naman siya sakin.

"Ano naman ang nagtulak sayo para umamin kaagad sa kanya? You forgot our plan? Diba kakaibiganin mo muna siya? Ibabalik sa dati ang lahat hanggang sa ma-in love ulit siya sayo? Saan napunta yun?"

"Hindi ko alam. The moment I saw her with that f*cking Flores..wala. Kumulo yung dugo ko."

Napatigil siya sa pagbaba sa hagdan kaya napalingon ako sa kanya. Dumilim ang aura niya.

"What's with that Flores? Anong kailangan niya kay Saphie?"

Nagpatuloy na ako sa pagbaba sa hagdan at ganun din siya.

"I don't know pero alam kong may pinaplano siya. Yes, Saphie's beautiful and a certified head-turner but I know that he's planning something. Pakiramdam ko alam na niya ang connection ko kay Saphie. What if he'll use Saphie against me?"

Ryan patted my shoulder.

"We just need to guard Saphie all the time. Bakit kasi sa lahat ng taong yayayain niyang maging kanang kamay niya sa gang niya, ikaw pa."

Napailing na lang ako.

Yes. It is not obvious but Vincent Flores is a gangster. Meron siyang gang or frat or whatever it is kaya walang gustong lumaban sa kanya. Last year, niyaya niya akong sumali sa grupo nila after ko siyang maipagtanggol dun sa gang na bigla na lang sumugod sa kanya nung mag-isa siya. But I said no, simula noon palagi na siyang nakikipag-kumpetensiya sakin.

Patutunayan niya raw na mas magaling siya sakin at pagsisisihan ko ang pagtanggi sa kanya. Pathetic.

Nang nasa ground floor na kami ay napalingon ako sa right side. Kita mula rito ang parking lot at parang gusto kong manapak. Palapit si Saphie kay Christopher. Hinalikan ni Christopher ang noo ni Saphie nang makalapit na ito sa kanya.

Chasing Ms. Disaster Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon