This Is War

1K 37 6
                                    

Chapter 36

Saphie's POV

Kasalukuyan kaming nagbe-breakfast nina Greg sa may restaurant sa hotel. Doon kami natulog sa room ni Greg para mabantayan siya. As of now, okay na naman ang pakiramdam niya.

"So what's your plan when you come back in New York?"

I said to break the silence.

"I'll come back in modeling and continue my studies. Any recommendation of agency?"

Nag-isip ako sa sinabi ni Greg.

Well, madami akong alam na agencies but I think Star Models will fit him very well. Besides, nandun si Krisha.

Baka sakaling maibalik ang friendship nila na nasira dahil sa pagkakagusto sakin ni Greg.

"Why don't you try Star Models?"

"Hmm.. Okay. I'll check it out."

Sabi ni Greg tsaka siya ngumiti sakin.

Naging maikli lang ang breakfast namin. Nagpaalam na agad kami sa kanya pagkatapos ay tumuloy na kami sa airport.

Oh, Palawan! Here we come!

---

"What the f*ck?"

Siniko ko si Daniele sa sinabi niya tsaka alanganing ngumiti.

Oh, tadhana. Anong problema mo sakin?

"Daniele! Saphie! Nandito rin pala kayo?"

Lumapit siya samin at nagpamulsa tsaka ngumisi. Napatingin ako kay Daniele at inalis ko agad ang tingin ko nang makitang masama ang titig niya.

"Kamusta?"

"F*ck you too."

Nilingon ko si Daniele at pinanlakihan ng mata.

Lumalabas na naman ang pagka-troublemaker niya!

But I kinda.. Misses this thing.

"Wow. Warm welcome."

Sabi ni Vince tsaka natawa.

"Uhmm.. H-Hi Vince! Mag-isa ka lang?"

Awkward talaga. As in!

Nandito kami sa pampang ng isang I-Don't-Know-What's-Its-Name beach at nag-aabang na maayos ng bangkero ang sasakyan naming bangka papunta sa El Nido. Kapag nakapunta na kami sa Underground River ay maga-island hopping na kami.

At ayun nga. Nakita namin si Vince na nakatayo mag-isa hindi kalayuan sa amin.

"Yup. Dito nakatira ang Lola ko kaya bumisita ako sa kanya. I'll come back tomorrow so I decided to explore."

Napatango-tango na lang ako. So what's next, Saphie?

"Sir, Ma'am, ayos na po."

Tumingin ako sa bangkero tsaka ako ngumiti.

"Thank you po!"

Hinawakan ni Daniele ang kamay ko at hihilahin na sana ako papunta sa bangka nang biglang magsalita si Vince.

"Uh, w-wait! Sama ako!"

Nilingon siya ni Daniele at sinamaan ng tingin.

"What the h*ll? Maghanap ka ng sarili mong bangka."

Chasing Ms. Disaster Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon