The Engagement Party

1.2K 42 4
                                    

Chapter 45

Saphie's POV

Huminga ako ng malalim. I smiled in front of the mirror.

I'm wearing a light pink dress. Hanggang sahig ito. I paired it with a silver sandals.

"Ang ganda mo naman, Ma'am."

Napalingon ako sa pinto. Kakapasok lang ni Ate Anne sa kwarto ko. Napangiti ako sa kanya.

Pinaupo niya ako sa tapat ng study table ko. Pinatawag ko siya para ayusan ako. Hindi kasi ako masyadong maalam sa pag-ipit ng buhok. Make up at pagdadala lang sa damit ang naituro sakin ni Krisha. Hindi rin kasi siya mahilig mag-ipit ng buhok. Madalas ay nakalugay.

"Ma'am, sure po ba kayo na tutuloy na kayo sa party na yan? Kasi po Ma'am baka—"

Napabuntong hininga ako. They saw me, lying on the cold floor. Walang rason para itanggi ko sa kanila ang sakit ko kaya ipinaalam ko na ito sa kanila.

"Ay, sorry po. Bawal nga pala banggitin."

At iyon ang ginawa kong rule. Bawal magbanggit. Mas nakaka-stress kasi kapag palaging ipinapaalala sa akin iyon.

"It's okay."

Ngumiti ako. Ipinagpatuloy niya ang pag-aayos sa buhok ko hanggang sa marinig ko ang pagpalakpak niya.

"Ayan! Naku, Ma'am! Hindi ka na maganda, diyosa ka na!"

Pumunta ako sa tapat ng full-length mirror ko tsaka ko tinignan ang sarili ko. Simple lang ang ginawa niya. Itinirintas lang niya ang ilang hibla ng buhok ko tsaka iyon iniipit sa kabila kaya nagmukhang headband. Bahagya rin niyang kinulot ang dulo nito.

"Thank you, Ate Anne."

Pabiro pang nag-bow sakin si Ate Anne kaya natawa ako. Pagbukas niya ng pinto ay saktong kakatok na sana si Christopher dito. Naiwan tuloy ang kamao niya sa ere kaya medyo natawa kami.

"Sorry po, Sir. Pfft! S-Sige po. Lalabas na po ako."

Nagpipigil pa rin ng tawa si Ate Anne kaya napailing na lang ako.

"So.. Sasabay ka ba sa amin?"

Napatingin ako kay Christopher. He's wearing a white long sleeve polo. Grabe, ang gwapo oh!

"Uhmm.."

Kinuha ko ang phone ko at parang gusto kong mapasimangot na wala man lang akong nakitang text doon.

"Susunduin ko si Sharmaine sa bahay nila. Ano? Tara na, sabay ka na."

"Kasi.. Ano eh.."

"Decide now, Princess. Ayaw ni Shar ng late."

Tinignan ko ulit ang screen ng phone ko.

Hindi ba man lang ako ite-text ni Daniele? Kaninang hapon lang ako lumabas sa ospital at agad din akong naghanda para sa engagement party nina Emily at Andrew. Noong meeting para sa reunion pa ang huli naming pag-uusap.

At oo na, aamin na ako. Gusto kong ako ang maging date niya ngayong gabi pero mukhang ayaw niya.

Kasi naman eh! Ako na lang kaya ang magyaya?

No! No, no, no! Babae ka, Saphie. That is not right. Hayaan mong siya ang magyaya sayo.

Kaso ang tagal niya! Yayayain niya pa ba talaga ako?

"Ano na, Princess? Time is running."

Itinuro pa ni Christopher ang wrist watch niya kaya lalo akong nataranta. Isusuklay ko sana ang daliri ko sa buhok ko kaso nakaipit nga pala ako. Minsan ang hirap din kapag may mannerisms ka eh.

Chasing Ms. Disaster Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon