The Reconciliation

1.9K 69 3
                                    

Chapter 3

August 2015

Daniele's POV

Gustong-gusto ko nang punitin ang papel na hawak ko.

Mas malala pa ang mga gardes ko ngayon kaysa sa mga grades ko nung highschool ako. Kung hindi pasang-awa ay bagsak na talaga.

D*mn it. F*ck this life.

"Bro! Ha-ha! Tignan mo yung grades ko!"

Kinuha ko ang papel na hawak ni Sebastian.

Buti pa siya.

"Oh. Sayo na yan."

Inihagis ko papunta sa kanya yung papel.

"Grabe ka, Bro! 'Di mo man lang na-appreciate ang grades ko? Alam kong 'di sila kataasan pero at least, pasado!"

B*llsh*t.

Binuksan ko ang latang hawak ko at nilagok ang beer.

"Ganun pala talaga kapag inspired ka noh? Automatic, ginagawa mo yung best mo sa lahat ng bagay. Kaya pala nataasan mo ako sa ranking nung 4th year highschool tayo ah! Ha-ha! Grabe, ang sarap sa feeling."

"Oo, kaya wag mo nang pakawalan yang si Keira."

Si Keira na unang nagpatino sa kaibigan naming loko-loko. Mabuti pa siya may love life na hindi komplikado.

"Talaga! Sagutin niya lang ako at walang humpay na ang ligaya! Wahaha!"

Tinignan ko siya. Kumikinang ang mga mata niya at ang lawak ng ngiti niya.

Ganyan din ako noon. Nung nandito pa siya.

"Ikaw, Dan? Patingin naman ako ng sayo!"

"Ayoko."

Inilayo ko sa kanya yung papel tsaka ako lumagok ng beer.

"Ang daya mo naman, Daniele! Sige na! Patingin!"

"Ayoko nga sinabi!"

Tumayo ako para ilayo sa kanya ang grades ko pero pilit niya pa rin itong kinukuha.

"Daniele naman eh!"

"Stop it, Sebastian! P*t*ng *na! Ayoko nga!"

Sa sobrang inis ko ay inihagis ko ang hawak kong lata. Tumama yun sa may pader at muntik na sa mukha ni Ryan na kakapasok lang dito sa hide-out.

"Ryan!"

Tumakbo agad si Sebastian kay Ryan na parang isang bata. Napa-iwas ako ng tingin sa kanila. Hindi ko namalayang nasa harap ko na pala si Ryan. Bigla niyang inagaw sakin ang grades ko.

"What's the meaning of this, Daniele?! Pumapasok ka ba talaga?!"

Tinignan ko siya gamit ng mga malalamig kong mata na nawalan na ng buhay simula nang mawala siya.

"Sorry ha? Hindi kasi ako kasing talino mo."

1st sem palang pero umaarangkada na ang grades niya. Isa rin siya sa mga tumatakbo bilang vice president ng SSG.

Naiingit ako sa kanya. Paano niya napapanatiling maayos ang buhay niya?

"Hindi ko sinasabing matalino ako, Dan. Ang sinasabi ko lang, ayusin mo naman ang buhay mo."

Chasing Ms. Disaster Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon