JONATHAN
"Onat!!!" sigaw ni Isabel kababata ko sya at kalaro mula nung bata pa ako, ako nga pala si Jonathan Luiz Yuzon isang high school student simpleng mag-aaral hindi ako nagmula sa isang mayamang pamilya ang inay ko ay isang guro habang ang ama ko naman ay security guard sa isang kumpanya.
masaya akong lumapit kay Isabel "anung atin Sabel?"
nahiyang yumuko sya "isosoli ko lang yung aklat na iniwan mo sa akin"
"ganun ba sana hindi ka na nag-abalang pumunta dito sa paaralan ko malayo din kasi ang lalakarin mo pabalik sa bahay nyo" si Isabel ay hindi mag-aaral tulad ko, isa sya sa mga batang nangangalakal para mabuhay, may limang tanon din ang agwat ng edad ko sa kanya, nagkakilala kami nung duon pa kami nakatira malapit sa tambakan my mga batang lalaki na nang-aapi sa kanya dahil hindi sya marunong mag-bilang naawa ako kaya tinulungan ko sya mula nuon tila naging guro nya ako ibinabahagi ko sa kanya ang lahat ng natutunan ko "Sabel teka!" habol ko nung akmang tatalikod na sya sabay labas ng baon kong ham sandwich "eto tanggapin mo"
matigas ang iling nya "hindi na onat"
" kumain ka na ba?"
namumulang yumuko sya
kaya inabot ko ang kamay nya at inilagay ang tinapay "yan tanggapin mo na wag ka na mahiya ha?"
"hindi naman kasi dapat...."wika nya ng abutin ng wala syang nagawa kundi tanggapin ang tinapay
"sus ikaw talaga Sabel nahihiya ka pa kaibigan tayo kaya wag ka na mahiya ha?" nakangiting paliwag ko sa kanya "bukas dadaan ako sa bahay nyo at dadalhan kita ng bagong libro,sige papasok na ako baka mahuli na ako" nagmamadali akong tumakbo sa loob ng school kung sa mata ni Isabel nakakaangat ako sa buhay pero sa mata ng mga kaklase ko o ng buong school na ito ako na yata ang pinakamahirap ewan ko ba naman sa inay at pinilit nya ako ipasok sa exclusive school kaya naman my oras na kapos kami buti na lang at ito na ang huling taon ko sa high school.
"Arayyyyyy" sigaw ng dalagang nabunggo ko dahil sa kakamadali ko wala akong nagawa kundi lapitan ko sya at tulungan nakasalampak kasi sya sa sahig
"sorry miss ayos ka lang ba-----" hindi ko na naituloy ang sasabihin ko dahil bigla na lang nya ako pinaghahampas ng bag na dala nya puro iwas ang ginawa ko "aray" hindi ko naiwasan ayun sapul ako sa ulo
"sa susunod titingin ka sa dinadaanan mo!!!" galit na sambit nya
"miss----" bigla nawala lahat ng sasabihin ko napalunok ako sobrang ganda naman ng babaeng nasa harap ko pakiramdam ko lahat ng maganda artista pagpinagsama kulang pa...marami pang sinasabi ang babae sa akin pero parang puso ko na alang ang naririnig ko nahihirapan akong huminga at wala akong gustong gawin kundi titigan sya
"my problema ba dito?" seryosong boses nang isang lalaki ang nagpabalik sa akin sa reyalidad lumingon ako para makita ang nagsalita hindi sila pamilyar sa akin minsan kasi my mga nagppraktis sa school namin mula sa ibang pang exclusive school ng mga sports.
"wala kuya" sabi ng magandang dalaga
"lets go, kanina pa nahihintay sa akin ang mga team mates ko"
BINABASA MO ANG
love me again gorgeous <completed book2 of fall for me gorgeous>
RomanceAPPLE DREW YUZON IS ONE OF THE SUCCESSFUL HEIRESS IN THE COUNTRY SHE HAS EVERYTHING SHE EVER DREAM OF HAVING EXCEPT FOR ONE... HOPING TO WIN THE GAME SHE STARTED FEW YEARS AGO, HOW CAN SHE TAKE BACK WHAT IS HERS IF THE PERSON IS BOUND TO MARRY SOMEO...
