ISABEL
Nagugutom na ako pero ang tila nawala iyon nung makita ko si Athan, kaibigan ko sya at maituturing ko na rin na guro dahil sya ang nagtuturo sa akin magbasa at magbilang mahirap lang kami walang kakayahan ang itay ko na ipasok ako sa paaralan, isang hamak na mangangalakal lang kami sa tambakan.
"oh Sabel anung sa atin?" tanong nya sa akin hindi ko alam ngunit ang saya ko na makita sya lalo't naka-uniform sya
nahihiyang inabot ko ang librong pinahiram nya sa akin "isosoli ko ito tapos na kasi ako"
"naku di ka na dapat nag-abala pa"
"ayos lang sige aalis na ako" nahihiyang tumalikod ako ngunit pinigilan nya ako para bigyan ng tinapay ayoko man tanggapin pinilit nya ako na tanggapin.
malayo din ang nilakad ko para lang makauwi halos mabutas na tsinelas ko naupo muna ako sa lumang kahoy na upuan namin hawak ko ang tinapay ewan ko ba pero dahan-dahan gumuhit ang ngiti sa labi ko mabait talaga si Athan at di maikakailang gwapo sya hihihi nahihiya man ako pero sa musmos kong edad tila umiibig ako sa kanya
"Sabel" tawag ng itay
"po?" tugon ko
"dalawang araw na lang ay aalis na tayo dito"
"huh?bakit po"
"pinapaalis na tayo ng may-ari ng lupa kaya hahanap na lang tayo ng matitirahan"
"eh san naman po?" kunot noong tanong ko
"my awa ang Dyos" anas ng itay
bumuntong hininga na lang ako mahirap ang buhay at maspinahihirap yun ng bawat araw at bawat edad na dumadagdag sa akin lalo ako namumulat na kailangan ko gumawa ng paraan para sa amin ni itay matagal na akong walang inay pumanaw sya sa sakit sa baga.
kinabukasan gaya ng lagi naming ginagawa ang nangalakal kami ng itay diretso sa junk shop narinig ko ang nga usapan tukol sa demolisyon ng mga tirahan namin sa squatter maraming mag-aaklas sa amin ngunit ilan kami sa aalis na lang kesa masaktan o mapahamak.
malungkot ako dahil malalayo na ako kay Athan at mawawalan na ako ng matalik na kaibigan hindi ko alam kung san kami pupunta ng itay.
"Sabel totoo ba?" halata sa boses ni Athan ang pagaalala tuwing byernes kasi ay pinupuntahan nya ako para turuan ng mga aralin
"oo" malungkot tugon ko
"ay ganun ba?hayaan mo sabihin mo lang sa akin kung saan kayo lilipat siguro naman kaya kita puntahan?"
sumaya ako sa narinig ko umasa ako sa baka nga siguro nga ay magkikita pa rin kami at walang magbabago ngunit yun na pala ang huli namin pagkikita lumipas ang mga taon nalipat kami ni itay ang isang probinsya ngunit bumalik ulit ng maynila makalipas ang tatlong taon di dahil sa lumuwag ang buhay namin ngunit dahil my sakit c itay cancer at kailangan ko lumapit sa mga ahensya ng gobyerno.
"pren!"
"ssshhhhh" saway kay Vilma kaibigan ko "wag ka masyado maingay V kasi baka mapaalis tayo sa pila"
"wag na kasi pumila alam mo naman na isang gabi lang yan sa pak! anda na" sagot nya sa akin oo si V ay isa sa mga babaeng nagbebenta ng aliw aaminin ko natutukso ako ngunit hangga't maaari ay ayaw ko di yata kaya ng konsensya ko hanggang simpleng pasexy sayaw lang ang kaya ko
lumipas ang oras maging ang gutom ko sa kakapila ngunit tangin mga papel lang napala ko dumiretso na ako sa hospital kung saan nandun ang itay ko agad kong natanggap ang balita kung saan kailangan salinan ng dugo ang itay ko pikit matang tinawagan ko si V.
"V sigurado ka ba?'" bulong ko
"oo walang makakakilala sayo sa kapal ng make-up mo galingan mo ang giling ha? parang yung ginagawa natin sa mga contest sa baranggay" sideline din kasi namin ni V ang mga pacontest ng sayaw.
despidido de sultero daw ang raket namin maraming tao madilim nagsimula ako gumiling ngunit laking gulat ko ng makilala ko kung sino ang sinasayawan ko walang iba kundi....si....Athan...
marahil sa sitwasyon nadala kami ang sumunod na namalayan ko naisuko ko na ang sarili ko sa kanya...mabigat man sa loob di ko na nagawang maipakilala ang sarili ko.
hindi lumipas ang linggo pumanaw ang aking itay...
"panu na yan Sabel anung plano mo?" bulong ni V ng makauwi kami pagkatapos ng libing ni itay
"hindi ko alam" bulong ko hindi ko inakala na magdadalang
tao ako
"eh kung ipaalam mo sa otoku?"
"panu?"
"wit ko din alam eh kung tanggalin mo
na yan?ikaw naman kasi akala ko nu----"
"hindi" labag sa loob ko ang gusto nya "babalik ako sa probinsya dun na lang ako siguro" tutal my natira pang abuloy na pwede kong pagsimulan
7 taon ang lumipas
"ina anu ba talaga ang nangyayari?" kulit ng aking anak sa akin
"anak makinig ka sa akin" nagsimula ako magkwento ng nakalipas halata sa mukha ng aking anak ang pagkalito pagbigla at tila di paniniwala...hindi ko mapigilan ang pag-iyak sa sinapit ng akin buhay...ng aming buhay...
"babalik ba ang ama?"
tila nabiyak ang puso ko sa simpleng tanong ng anak ko sa akin tanging hagulgol lang at iling ang naisagot ko
"anak hindi Vera ang apelyido mo"
"ina???"
"huwag mong kakalimutan na ang buong pangalan mo ay Jhenison Jonathan Yuzon jr"
"pe--"
"anak patawarin mo ang ina sa buhay na naibigay ko sayo mahal kita at kahit ang iyong ama ay mahal ko sabihin mo sa kanya sa takdang panahon na patawarin nya ako"
"ina..."
" anak wag mong kakalimutan na isa kang Yuzon"
tumango lang ang anak ko
binagyo kami at nawalay ako sa aking anak
hanggang marating ko na lang lugar kung saan di ko na kayang bumalik pa...
Athan patawarin mo ako...
BINABASA MO ANG
love me again gorgeous <completed book2 of fall for me gorgeous>
RomanceAPPLE DREW YUZON IS ONE OF THE SUCCESSFUL HEIRESS IN THE COUNTRY SHE HAS EVERYTHING SHE EVER DREAM OF HAVING EXCEPT FOR ONE... HOPING TO WIN THE GAME SHE STARTED FEW YEARS AGO, HOW CAN SHE TAKE BACK WHAT IS HERS IF THE PERSON IS BOUND TO MARRY SOMEO...
