SOMEBODY'S POV
ang taas ng inet ng araw pero hindi na ito bago lalo sa isang mahirap na tulad ko, amoy araw at medyo madungis ako galing ako sa tubohan nakitulong sa pagkakayas ng tubo. masaya ako dahil my dala akong bente pesos maari na ako makatunong kay Ina at Ama.
hindi nila ako inoobliga pero alam ko na mahirap lang kami at walang ibang tutulong sa amin kundi ang mga sarili namin,at sa murang edad ko batak na ang katawan ko sa trabaho,gusto ko rin naman ang maglaro pero naiisip ko na pampagutom lang ang paglalaro.
"Iso!" tawag sa akin ni Berto magkasing-edad kami pero sya madalas ay nasa parang at naglalaro ng tumbang preso at nagpapalipad ng saranggola habang ako naman madalas ay nasa tubohan o kaya sa sapa nangunguha ng tulya at suso.
"bakit t0?"
"manghuli tayo ng gagamba?" msayang yaya nya sa akin
"sige mamaya uuwi muna ako sa amin at kukumustahin si ina" pagsang-ayon ko sa kanya
"magpangita na lang tayo sa parang ha?" sabay takbo palayo sa akin
nagmadali ako marating ang kubo namin, gusto ko din manghuli ng gagamba baka mailaban ko sa derby baka palarin akong manalo my pambigas na kami.
"ina andito na po ako" sabi ko sabay mano at pumunta ako sa lamesa ako uminom ng tubig sa totoo lang kumakalam ang sikmura ko pero titiisin ko na lang para isang kainan na lang sa hapunan alam ko naman na wala kaming makakain
"anak saan ka ba nanggaling?" tanong ni ina habang panay ang kusot sa damit ng ama
hinubad ko ang sando ko at bahagyang pinunas sa mukha ko "jan ho sa tubuhan, ang ama ho?"
"aba'y kumukuha ng mais para my mailuto"
napabuntong hininga ako kung sana'y my ibang alam gawin si ama...sa totoo lang hindi ko alam kung panu nagkakilala ang magulang ko basta nagisnan ko na lang na laging si Ina ang gumagawa ng paraan para sa pamilya namin.
"Ina wala ba talagang pwedeng pasukan ang ama?" hindi ko alam kung banaag ba sa boses ko ang pagkainis
"hayaan mo Iso makakaraos din tayo" sagot lang ni Ina
akmang aalis ako ng tanungin ako ng Ina san ba ako pupunta
"jan po sa kabila bibili ng bigas my kinita akong Bente pesos sapat pa sa ilang gatang na bigas" paliwanag ko
habang naglalakad sinisipa ko ang isang bato,my mga naririnig ako na balita na hindi naman talaga kami galing sa bayang ito na dayo lang kami nung una nga daw hindi naman nagsasalita ang ama, may nagsasabi naman na ginayuma ng ina ang ama dahil matikas na lalaki ang aking ama samantalang ang aking ina kahit naman bakas ang kahirapan sa kanyang itsura may taglay din itong ganda.
paulit ulit ko ipinananalangin na sana ay mayaman nga si ama kasi gusto ko naman mag-aral 6 na taon na ako pero magbasa o magsulat hindi ako marunong, ang alam ko lang magbilang ng kakarampot na perang nahahawakan ko, gusto ko rin matutong mangarap...hindi yung magisip na lang parati kung panu namin malalagpasan ang bawat araw o kung oanu masosolusyunan ang problema ng kumakalam naming sikmura.
"pabili po ng bigas" sabi ko ng marating ako sa isang maliit na tindahan
lumabas naman ang tindera "ilang kilo?" tanong nya
napakamot ako sa ulo "naku manang pwde po bang kung ilan lang ang kasya sa bente?"
padabog na nagsilid sya sa plastic ng bigas "oh eto lang" sabay abot sa akin
parang ginto ang tingin ko sa bigas naiisip ko na agad ang lasa at mainit sa sikmura, bihira kaming makabili ng bigas palagi lang kami mais o kamote swerte kung meron dahil madalas wala kaming makain, hindi naman ako pwede laging nasa tubuhan baka daw kasi mapahamak sila duon kung my mga batang tulad ko, ako lang ang mapilit minsan nadadala sa kulit kaya napagbibigyan.
BINABASA MO ANG
love me again gorgeous <completed book2 of fall for me gorgeous>
RomansaAPPLE DREW YUZON IS ONE OF THE SUCCESSFUL HEIRESS IN THE COUNTRY SHE HAS EVERYTHING SHE EVER DREAM OF HAVING EXCEPT FOR ONE... HOPING TO WIN THE GAME SHE STARTED FEW YEARS AGO, HOW CAN SHE TAKE BACK WHAT IS HERS IF THE PERSON IS BOUND TO MARRY SOMEO...
