Hello guys. After a year, omg I'm so sorry kung ngayon lang nakapagupdate. Ang tagal nang nakatambay nitong chapter 34 sa drafts ko :(
--------------------------------------------
KATE'S POV -
Tapos na ang summer, tapos na ang saya. Balik aral nanaman, balik gising ng maaga, balik cram, balik kopya, balik gala. Pasukan na sa Monday. Naging masaya naman ang summer ko, lalo na with Madlang tropa & my Alexei. Maraming nangyari pero masaya ako at matatag at kami parin ngayon.
♫♪ Ringtone ♫♪
- 1 Message Received -
From: Sandra BFF
Nakapost na girl!!!!!!!!!!!!
Wala nang oras para mag reply, naligo agad ako at nagpalit ng damit at sumakay sa unang unang jeep na nakita ko para sumugod sa school. Sa gate palang nakita ko na yung malaking bulletin board na may nakasulat na..
"SECTIONING FOR SY 2013 - 2014"
Mejo madami nang tao na tumitingin sa section nila, tinitignan kung sinong mga kaibigan ang kaklase nila. Taon taon ito ang routine ng mga kabatch at kaschoolmate ko. Magreklamo sa twitter about sa sectioning at susugod sa school kapag na-post na ng admin yung mismong listahan.
"OMG!!!!!!!! BEST. SCHOOL YEAR. EVER!!!!!!!!!!!!!!!!!!!!!!!!!!!!!!" Malayo palang ako e narinig ko na yung malakas na sigaw ni Sandra.
"Sandra!" Tawag ko sakanya.
Tumakbo siya papalapit sakin at niyakap ako ng mahigpit.
"MAGKAKAKLASE TAYO!! TAYONG LAHAT! ANG SAYA!!!!!"
"Ano? tayong lahat?!" Tanong ko sakanya. Hindi naman sa ayaw ko, pero di lang ako makapaniwala.
"OO! TAYONG LAHAT! MT!!! O M G!!!!"
Ang saya saya nilang lahat, pero teka, hindi ko pa nakikita yung mismong listahan, matignan nga.
*basa basa basa.. tingin tingin tingin..*
"Manansala..." nasan na yun? Bakit wala yung panglan niya sa listahan?
Tinext ko siya agad at tinanong kung bakit di ko makita yung pangalan niya sa listahan.
1 Message received
"Magkita tayo. Puntahan kita sainyo."
From: Alexeeei :3
Umuwi na agad ako at nakita ko siyang naghihintay na sa gate.
"Hi." Sabay kiss niya sa pisngi ko.
"Bakit wala yung pangalan mo?" Tanong ko.
"Hindi ko kasi alam kung pano ko sasabihin sayo eh. Pero matagal na kong namomroblema kung san kukuha ng pang-tuition."
"Huh? Bakit di mo sinabi sakin? Eh pano yan ngayon?"
"Ayaw nang tanggapin ng school yung promissory letter ko."
"Eh anong sabi ng mama mo?" Tanong ko. Nalulungkot ako kasi hindi ko alam kung pano ko siya tutulungan.
"Wag na daw akong mag-aral, kasi wala naman daw akong mararating."
Nakikita ko yung lungkot at panghihina sa mga mata niya. Gusto ko lang siyang yakapin dahil alam kong masakit na nanggaling mismo yun sa sarili niyang nanay.
Hinawakan ko yung kamay niya. "Magiging okay din ang lahat. Magagawan natin ng solusyon to, okay? Kakausapin natin lahat ng pwedeng kausapin sa school."
"Kailangan ko na yatang magtrabaho.. Para mapag-aral ko yung sarili ko."
"Kaya mo bang pagsabayin? Baka naman mahirapan ka. Mga bata pa tayo. Matalino ka naman, baka makakuha ka ng scholarship. Subukan mong magtry."
"Thank you, Katie. Sobrang thank you, di ko alam kung anong gagawin ko kung wala ka."
-------------------------------------------
TO BE CONTINUED
BINABASA MO ANG
Forever.
Teen FictionWe fall in love, and we break our hearts. And after going through that cycle every now and then, we learn something new. But what important is we learn that there is always this one person who can always come and rescue us. That one person we need w...