Leo's POV.
Pagkatapos ng dalawang taon, wala ka paring pinagbabago. Kung paano kita iniwan, ganun ka parin ngayong binalikan na kita. Kasing-masiyahin, kasing-kulit, kasing-bait, kasing-ganda. Maganda parin ang buhok mo ngayon, kahit na mas bagay sayo ang mahabang buhok. Namiss kong makipagkulitan at makipaglaro sayo. Namiss ko yung maganda at malalim mong mga mata na parang palaging may sinasabi. Namiss ko yung pagiging masungit mo sa lahat ng tao. At namiss ko yung pagiging iyakin mo. Speechless parin ako ngayon. Kung nasasabi ko lang sana sayo lahat ng nararamdaman ko. Isa lang naman kasi ang gusto ko. Ikaw.
"Ano? magtititigan nalang tayo dito?" Sabi ni Kate.
"Kate.. "
"Ano?"
"May hihingiin kasi ako sayo."
"Ano nga?"
"Isa pang chance."
"Ilang beses ko bang sasabihin sayo na -- "
"Please. Pakinggan mo lang ako."
"Tama na Leo."
"Umalis ako para sayo."
"Ano? Anong para sakin?"
"Para sa ikabubuti mo."
"Sinaktan mo ko, iniwan mo ko at hindi ka nagparamdam ng dalawang taon para sa ikabubuti ko? Wow ha."
"Ayaw kitang mag-alala."
"Ayaw mo kong mag-alala?! Tapos hindi ka magpaparamdam ng dalawang taon? Oo grabe, ni-hindi ka sumagi sa isip ko sa loob ng dalawang taon na yun! Oo. Hindi ako nagalala!"
Kate's POV.
"Ayaw kitang mag-alala."
"Ayaw mo kong mag-alala?! Tapos hindi ka magpaparamdam ng dalawang taon? Oo grabe, ni-hindi ka sumagi sa isip ko sa loob ng dalawang taon na yun! Oo. Hindi ako nagalala!"
Ang tagal niyang sumagot. Katahimikan ang namagitan saming dalawa. Pagkatapos ng ilang segundo, nagsalita at sumagot narin siya.
"May sakit ako."
Sa mga sandaling yun, natahimik na lang ako. Sakit? Anong sakit? Malubha na ba? Kamusta ka na? Hindi ko alam kung anong gagawin o sasabihin. Walang lumalabas ng sa bibig ko. Nakatitig lang ako sakanya habang nagsasalita siya.
"At hanggang ngayon may sakit parin ako. Pero nagpapagaling nalang."
Nagpapagaling? Hindi. Hindi ka nagpapagaling. Alam ko at nakikita ko sa mga mata mo na hindi ka pa magaling. Anong nangyari sayo?
"Please, Kate. Ikaw lang ang kailangan ko."
Hanggang sa meron nang luhang tumutulo sa mga mata niya, na halatang nasasaktan na siya.
"Ayokong kaawaan niyo ko kaya wala akong pinagsasabihan at umalis ako ng walang paalam."
"Bakit pati sakin kailangan mong itago? Alam mong pwede mo kong lapitan at kausapin tungkol sa kahit ano. Hindi yung bigla bigla ka nalang mawawala." Sabi ko sakanya nang may nanginginig na boses.
"Patawarin mo sana ako"
"Leo.."
Sabay nagring ang bell.
---
I know this chapter is a bit short, but it has a lot of story in it. Hope you enjoyed reading.. More of Leo and Kate's love story in the next chapters.. :)
BINABASA MO ANG
Forever.
Teen FictionWe fall in love, and we break our hearts. And after going through that cycle every now and then, we learn something new. But what important is we learn that there is always this one person who can always come and rescue us. That one person we need w...