Chapter 17: Stuck in between

326 7 1
                                    

Pumasok na ko ng maaga kinabukasan.

"Morning Class" 

"Morning Sir."  Sagot namin kay Sir.

"Huy." Sabi ng tao sa kanan ko.

"Bakit?"

"Okay ka lang?" Tanong ni Leo.

"Ah oo"

"Hindi eh. Anong problema?" 

"Ah wala wala."

"Ano nga?"

"wala nga"

"Sabay tayo mamayang recess."

Alam ko ayaw ko nang bigyan ng isa pang chance si Leo pero mahal ko pa siya. Kaya hangga't maaari umiiwas nalang ako.

"Hindi pwede kasabay ko  si Sandra."

"Ah okay."

"Hoy kate bat ang tamlay mo?" Tanong ni Ethann.

"Wala."

"Bakit nga pala late ulit si Alex? Nasan na kaya yung mokong na yun?" Sabi ni Ethann

"Ewan ko."

"Diba hinatid ka nun kahapon?"

"Oo bakit?"

"Kayo na?"

"Paghinatid kami agad?!"

"Sus. Sabihin mo kay "ALEXEI" mo wag na siyang papalate."

Huh? Alexei ko? Hindi no. Leo ako!

Habang busy-ng busy akong nagiisip, di ko namalayang tinawag pala ako at may tinatanong ni Sir saakin.

Bumulong si Leo.

"The square of the hypotenuse is equal to the sum of the square of the 2 legs." Sabi niya..

"The square of the hypotenuse...." Sabi ko ng pautal utal habang pinapakinggan ko ang mga binubulong ni Leo.

"Is equal to the sum of the square..." Bulong niya ulit. 

"Is equal to the sum of the square of the two legs."  Sabi ko. Sabay upo.

"I love you." Bulong niya.

"I love you too." Sagot ko.

"haaaaaaaaaaaaaaaa?! Anong sagot mo?!" Tanong ni Leo ng natatawa.

"Ano? Anong sagot?" Nagkunwari-kunwarian nalang ako ng walang sinabi kahit na nadulas ako. Wala talaga ako sa sarili eh.

"Swabe Leo." Sabi ni Ethann.

Tumawa lang si Leo.

RECESS.

Pumunta ko sa baba para puntahan si Sandra. Only to see that.... Kasama niya si Paolo. Pero mukhang papaalis narin naman si Pao. Bumaba lang ako ng stairs. Pag dating ko baba, nakita kong papunta sa gate si Sandra. At bumalik ng may kasama. 

"Si Alex?" Sabi ko sa sarili ko.

"Bakit sila magkasabay?" Tanong ko sa sarili ko.

"Baliw. Nagsasalita ng mag-isa." May nagsabi sa likod ko.

Si Leo.

"Hindi ako baliw." Sabi ko sakanya,

"Eh sinong kausap mo?" Tanong niya. 

"Wala..." 

"Wala naman pala eh. Baliw."

"Ewan"

Forever.Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon