Chapter 15: Stop

290 6 4
                                    

"Miss nanjan na po si Alex. Late lang." Sabi ni Erica

" Why are you late? And what happened to you?"

"It's nothing."

Umupo na agad siya sa likod ng hindi nagsasalita at walang binabati. Nung dumaan siya sa harap ko, napansin kong may pasa siya sa braso. Mukhang hindi siya okay. May nangyaring masama. Gustong gusto ko na siyang kausapin kaso natatakot ako. Baka asarin pa ako ni Ethann sabihin crush ko si Alex. Hindi no. Papabayaan ko nalang siya. Papansinin naman ako niyan mamaya. Isang subject na ang natatapos at wala parin siyang imik. Ni-hindi niya ko tinatawag na "Katie" Sinubukan syang tanungin ni Ethann pero hindi siya nasagot.

----- ALEX'S POV -----

Hindi ko alam kung pano ko papasok at hindi ko alam kung anong gagawin kong dahilan kung bakit puro pasa ako. Sigurado tatanungin ako ni Katie kung anong nangyari. Ano nalang isasagot ko? Hindi naman ako pwedeng umamin na si papa ang may gawa nito.

Late akong dumating sa school. Dahil narin sa kakaisip kung anong idadahilan. Pumasok ako sa classroom ng tahimik at hindi nagsasalita. Tinanong ako ni Miss kung anong nangyari, hindi ko rin naman sinagot. Nakita ko si Katie na tumingin sakin. Habang dumadaan ako sa aisle at nadaanan ko si Katie, nakikita kong nakatingin siya sakin at gustong tanungin kung anong nangyari sakin. Hinintay ko siyang magsalita at bumati. Pero wala.

Natapos na isang subject, wala parin. Bakit ko nga ba iisiping nakatingin siya saakin kanina at guston malaman kung anong nangyari sakin ano? Sino ba naman ako sakanya. Siguro wala siyang pakialam. Ay, hindi pala 'siguro' WALA talaga siyang pakialam. Ano nga naman sakanya yung buong weekend kami magkasma no? Parang wala lang nangyari. Parang hindi niya nga ko kilala. Tinanong ako ni Ethann pero wala ako sa mood sumagot. Hinihintay kong siya yung magtanong eh. Gusto ko kasing pinapansin niya ko, gusto kong kinakausap niya ko. Gusto kong magkasama kami at gusto kong naguusap kami. Oo, Gusto ko si Kate. Si Katie ko.

Recess na. Di na ko makapagtiis.

"Hi katie."

"Hi Alexei... Anong nangyari sayo?"

"Ah wala."

"Eh bakit ka na-late?" 

"Nalate lang ako ng gising."

"Ahh. Bakit may mga pasa ka? Napaaway ka ba kagabi?"

"Hindi.. nabangga lang sa lamesa."

"Ang tanga tanga mo naman. Nabangga ka sa lamesa? Pati mukha mo hinampas mo sa lamesa?"

"Hindi ah. Grabe."

"Hindi ako pinanganak kahapon, anong nangyari sayo?"

"Wala nga."

"Ano nga?"

"Wala."

"Okay..Okay ka lang ba?"

"Oo naman okay lang ako. Gusto mo ng sandwich?" Alok ko sakanya.

"No thanks." 

----- KATE'S POV -----

Hindi ako naniniwalang walang nangyari sakanya.. Ano kayang problema nito? Pero hindi naman dapat ako magpaapekto. Wala naman siya sakin at mas lalong wala akong gusto sakanya,

"KATIE!" Sigaw ni Alex. 

"Bakit?"

"Hatid na kita pauwi."

"Magvovolleyball pa kami eh."

"Wag na. Lika na uwi na kita."

"Okay."

"Uwi na kita ah?"

"Oo nga."

"Samin ah."

"Anong sainyo?"

"Sabi ko iuuwi na kita. Oo ka naman ng oo. Iuuwi na kita samin."

"Luh."

"Haha joke lang eh."

"Corny mo."

"Sorry lang."

"Halika na."

"Nandon ba kuya mo?"

"Hindi ko alam kung nandon na" 

"Ah okay..Birthday ni Ja?"

"Oo ngayon ung surprise namen sknya."

"Bait niyo naman sa kapatid niyo."

"Bakit naman?"

"Wala lang..."

"Ano ba talagang nangyari sayo?"

"Wala.."

 Tumigil ako sa paglalakad.

"Ano? Halika na" Sabi ni Alex.

"Di ako maglalakd hanggat di mo sinasabi kung anong nangyari sayo."

"Binugbog ako. Hindi ba halata?"

"Nino?"

"Wala."

"Sinong may gawa sayo niyan?"

"Waala nga."

"Sino!"

"Papa ko."

"Ano? Papa mo?"

"Oo."

"Bakit? Ano bang ginawa mo?"

"Lasing siya kagabi."

"Oh anong nangyari?"

"Ginagawa niya kung anong gusto niya kapang lasing siya."

"Eh anong ginagawa ng mommy mo?"

"Wala.. katie wag na natin pagusapan.. hindi mo naman kilala ang pamilya ko.. kahit ako hindi ko na sila kilala.."

Natahimik lang ako sa sinabi niya.. Hindi ko alam kung anong sasabihin o gagawin sakanya. Lumapit ako at niyakap ko siya. 

...At niyakap niya rin naman ako.

"Salamat. Ang tagal tagal tagal tagal ko nang hindi nakakaranas ng isang napaka comforting hug. Sobrang thank you. "

"Wala yun. Kung kailangan mo ng makakausap.. Nandito lang ako."

"Salamat ulit."

"Naku.. wala yon.. Salamat sa paghatid ha."

Nasa gate na kami ng bahay.

"Wala  yun. Ikaw pa. Malakas ka sakin.." Sabi niya.

"Salamat ulit." Dagdag pa niya.

"Wala yun." Sabi ko. "Bye."

Papasok na ko ng gate nang tinawag niya ulit ako.

"Katie."

..At niyakap ulit. 

"Sana wag kang magalit, pero gustong gusto ko lang talaga ng isa pang yakap galing sayo." Sabi niya.

Hindi ko alam kung anong magiging reaksyon ko. Kung matutuwa o maiinis. Pero sa nalaman ko kanina lang.. Okay lang sakin yung ginawa niya. Kailangan niya nang pamilya, at nandito ako para sakanya. Para maging pamilya niya.

"If it makes you feel any better." Sabi ko sakanya.

I was about to let go of his hug, when I heard a voice.

"Kate pumasok ka sa loob."

Si kuya Kyle.

Bumitaw agad ako sa pagkakayakap niya sakin at humarap kay Kuya,

"Kuya -- "

"Pasok." Sabi niya.

"Hindi naman ---"

"Pasok sa loob!" Sigaw niya.

-------------------------------------------------

:O Huli nanaman ni Kuya Kyle. Hahaha! Comments and votes are highly appreciated!:)

Forever.Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon