Chapter 24: Ikaw lamang

297 7 0
                                    

*still alex's POV.

"Aalagaan kita." 

"Aalagaan kita." 

"Aalagaan kita." 

Paulit-ulit nagrerewind sa isip ko yung sinabi ni Katie. Totoo ba? Baka naghahallucinate nga lang ako.. pero may humawak sa pisngi ko.. ano ba tong nararamdaman ko?  Hindi naman pwedeng si mama o si ate. Hindi naman ako pinapakialaman nun kapag may sakit ako eh. Si Katie nandito? Para alagaan ako. Si Katie ko.. Inaalagaan ako. Unang beses yata to sa buong buhay ko na may magaalaga sakin ngayong may sakit ako. Kapag kasi nagkakasakit ako.. Wala naman silang pakialam. Kumbaga sa restaurant, self service. Ang dami kong naiisip at iniintindi. Hindi ko namalayan nakatulog na pala ako.

Kate's POV.

May naririnig akong sumagot galing sa huling kwarto. Parang pinipilit niyang sumagot, parang.. he's in pain. Not sure of who he actually is, I went to the 3rd room. And I have a bad feeling about this. Dali-dali akong pumasok nang nakita kong si Alex nga yung tumatawag, balot na balot siya sa kumot at tinatawag niya ko. Hinawakan ko siya sa pisngi, at muntikan na akong mapaso dahil sa sobrang init. SA SOBRANG INIT. Sobrang taas ng lagnat ni Alex. Nataranta ako.. Alam kong napakasama na ng pakiramdam niya. Paulit ulit niyang binabanggit ang pangalan ko. Alam kong hindi siya makapaniwala na nandito ako.

"Oo nandito ako Alex. Hindi ako aalis. Aalagaan kita." Sabi ko.

Di ko na talaga alam gagawin ko, alam ba to ng mommy niya?! Bakit hindi diya inaalagaan! May mga binubulong si Alex na hindi ko na maintindihan. Bumaba ako at hinanap yung mommy niya.

"Excuse me po, Mrs. Manansala--"

"Ano?"

"Ang taas po kasi ng lagnat ni--"

"Itulog niya lang yan mawawala yan"

"Sobrang taas na po kasi baka pwede po natin siyang dalahin---"

"Sa ospital? Ikaw ang magbabayad? Sige dalahin mo. Wala akong pera pambayad sayo."

"Kung may gamot--"

"May drugstore jan sa kanto ibili mo kung gusto mo"

"May mainit na tubig--"

"Jan sa kusina kunin mo lahat ng kailangan mo."

Ano ba naman tong nanay na to. Not to be judgemental pero.. Bakit parang wala siyang pakialam sa anak niya? Inaappoy na ng lagnat sa taas, nanunuod parin ng TV dito.. Ako na ang pumunta sa kusina para maghanap ng maliit na basin na paglalagyan ng maligamgam na tubig. Nakatulog na si Alex sa taas. Umakyat ako. Pinatong ko yung basin sa maliit na chair sa tabi ng kama niya at pinakialamanan ko narin yung gamit niya para maghanap ng towel. Luckily I found one. Tinanggal ko ang pagkakabalot ni Alex sa kumot. at dinampian ko siya ng maligamgam na tubig sa kamay, sa noo, sa leeg. Ang taas talaga ng lagnat niya.. lalong umiinit yung tubig.

"Alex. Sorry.. Hindi kasi ako marunong magalaga ng may sakit.."

Natutulog parin siya at dinadampian ko parin siya ng mainit na tubig sa katawan niya. Hinhintay ko siyang magising. Bababa muna ko para amgluto ng mainit na sabaw, para kapag nagising siya eh  may makakain naman. Walang pakundangan akong bumaba sa kusina. Tinignan ako ng mommy niya na parang wala alng at inalis rin ang tingin sakin.

Pagtapos kong magluto inakyat ko yung niluto ko sa kwarto ni Alex. Hindi parin siya nagigising. Nagikot ikot ako sa kwarto niya. At nakita ko yung study table niya. Wah, bat may picture ako dito? Hahaha kilig :"> Haha. Stalker talaga to. Kaya pala may nawawalang dalawang picture sa kwarto ko. Siguro kinuha niya to nung nakulong kami at nakatulog na ako. Bumaba nanaman ulit ako at lumabas ng bahay. Grabe talagang feel at home ako. Nagpaalam naman ako sa mommy niya at sinabing bibili lang ako ng gamot. Pagkabili ko ng gamot dumercho ako sa kwarto niya. Nagulat ako dahil nakatayo na siya.

Forever.Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon