Chapter 9: Madlang Tropa

372 5 0
                                    

Tatawagan ko na sana yung number, biglang may nag text.

1 Message Received

" Party daw, kila Paolo. 

Party starts at 10pm. :)

See you.  -Basha. "

Sabay tumunog ulit si cellphone. 

1 Message Received

Pupunta ka kila pao? -Kyle.

Reply. 

I don't know.

Message Sent. 

1 Message Received

Loosen up. Kalimutan mo muna lahat ng problema. Sunduin kita jan. -Kyle

Reply

Okay. Whatever. 

Message Sent. 

Pagdating namin kila Paolo, naliligo na sila sa pool.

"1, 2, 3... GOOO! " Sigaw ni Paolo at Ethann habang buhat buhat at winawagayway si Patrick sa tabi ng pool. Sabay nilang ihahagis tapos magtatawanan. Lalapitan sila ni Kyle para makisali sa mga kalokohan ng mga lalaki. 

Biglang may yumakap sakin mula sa likod at tinawag ako. 

"Hi kaaaate."

"Hi bash."

"Glad you came. Halika, dun tayo kila Jaymee."

"Wala si Sandra?"

"Susunod daw." Sagot ni Cathy.

"Ano ka ba Kate? ngumiti ka naman! kaya ka nga nandito para magpakasaya. Parteh parteh nga oh." Sabi ni Erica.

Dumating na sila Gabby, Aya, Quennie at Sandra. Beso beso muna sa lahat bago umupo at kumuha ng maiinom. 

"Ano Lance, hanggang ngayon ba hindi ka parin nagsasalita?" Banat ni Gabby. 

Tawanan lahat. Ang saya talaga nila kasama, puro ngiti at tawanan ang makikita mo, parang kapag magkakasama kami walang problema. masaya lahat. 

"Makatawa naman to si Tin-tin! Gilagid mo jan oh. Kitang kita na." Banat ulit ni gabby.

Tawanan nanaman lahat.

Nakita kong paparating na si Sandra kaya  sinalubong ko na siya. Pagbalik namin sa upuan hinarang kami ni Kyle.

"Kate saglit lang, may ipapakilala ako kay Sandra." Sabi ni Kyle.

Tumigil naman kami at sinamaan ako ng tingin ni Sandra. Ayaw niya kasing nakikipaginteract sa mga lalaki. 

"Sandra, meet Paolo."   Sabi ni Kyle.

Iniabot naman ni Paolo ang kamay kay kay Sandra, habang si Sandra eh nakatitig lang. Pinalo ko yung kamay ni Sandra bago pa siya nakipagkamay kay Paolo.

"Hi." Sabi ni Paolo.

"He--Hello.." Sagot ni Sandra ng may nanginginig na boses.

"Bakit ka namumutla?" Tanong ni Paolo.

"Ah! Wala! nilalamig lang siya. Lika na Sandra!" Sagot ko habang hinahatak si Sandra papunta sa iba pang mga katropa namin.

"Hinding hindi kita mapapatawad!" Sabi ni Sandra sakin. 

"Sus, papasalamatan mo rin ako." Sabi ko ng may halong pang-aasar.

Nakita kong nagsswimming narin ang buong tropa. Nagtatawanan, nagsisigawan, nagkkwentuhan. 

"Gutom na ko." Sabi ni Patrick. 

"Ako rin." Sabi ni Ethann.

"May mga barbecue at hotdog dun sa ihawan. Kumain muna kayo. Lalo na ikaw, Patpat." Sabi ni Paolo.

"Baliw." Sabi ni Patrick.

Maya maya pa eh may dumating, nagulat kami kasi akala namin wala nang dadagdag. Habang papalapit ng papalapit eh may nakikita kaming lalaking may suot ng malaking salbabida.

 "Sino yun?"Tanong ni Gabby.

"Oh My God.. Is that who I think it is?!!!" Sabi ni Sandra.

"Alex?!" Sigaw ko.

"Who is he?" Tanong ni Jaymee.

"Transferee. Kaklase namin." Sabi ni Erica.

" Hi Katie! " Sabay ngumiti ng malaki, kita ang mga braces.

"Anong ginagawa mo dito?!" Sigaw ko ulit.

"Sabi may party daw eh?" Sagot ni Alex.

"Oo nga. Meron."

"Ayun naman pala eh." Sabay talon sa pool. 

"You know what? He's not so bad after all." Bulong sakin ni Sandra.

"Not so bad? Yeah, sure. With that Sesame Street boxers."

Nagtatawanan nanaman sila dahil sa kakulitan ni Gabby. May nakita nanaman silang pogi na balak nilang hingiin ang pangalan at ang number. Nagbabasaan naman sila Quennie at Basha sa pool, habang nagbababad lang sila Tintin at sila Erica. Siyempre hindi nawala ang chismisan at kwentuhan tungkol sa mga batchmate at sa school.

Mamaya pa eh pumunta kaming lahat sa kubo.  Sabay sabay kaming kumain ng dinner, pagkatapos nag pahinga ng konti, pagkatapos eh tuloy parin sa kwentuhan at tawanan. Kapag talaga marami kang problema at hindi yun maalis sa isip mo, tumawag ka lang ng kaibigan na palaging nandiyan para sayo, At makakalimutan mo ang lahat ng problemang pasan pasan mo. Maswerte ako at sila ang mga naging kaibigan ko, dahil kehit kelan ay hindi nila ako iniwan, at nandito lang kami lagi para sa isa't isa.  Madlang Tropa <3

Forever.Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon