Chapter 3: Flashback

451 10 4
                                    

Lumabas ako ng classroom. Tumambay muna sa corridor habang hinihintay si Sandra. Habang naghihintay eh nilapitan ako ng iba ko pang mga kaibigan. Si Jaymee, Cathy at Lance. 

"Oh bakit ang lungkot mo ata?" Tanong ni Jaymee.

"Wala. Ano ka ba, bakit naman ako magiging malungkot?" Sagot ko.

Siniko ni Cathy si Jaymee sabay bulong na, "Bumalik si Leo." 

"Magbubulungan nalang kayo sa harap ko pa. Sana kanina man lang para hindi masyado halata. Baliw talaga kayo." Sabi ko habang natatawa.

"Okay ka lang ba?" tanong ni Lance.

"Oo naman, Ako? hindi okay? kelan ba nangyari yun." Sabay tawa. "Ayan na pala si Sandra, Sige, bye!:) "

"Kamusta klase? Ang saya sa section namin." Sabi ni Sandra.

"Tawa kami ng tawa kay Sir Gatuz." Sabi ulit ni Sandra.

"May pogi rin kaming kaklaseeeeeee!! OMG. LIKE SO HOOOOT." Sabi ulit ni Sandra.

"HOY! NAKIKINIG KA BA? ANO BA NANGYAYARE SAYONG BABAE KA?!"

"Nandito siya."

"Sino?"

"Bumalik siya dito."

"Sino nga?"

"Sino pa ba?"

Sabay upo sa upuan sa may canteen.

"Okay ka lang ba?" Tanong ni Sandra.

"Pagkatapos niya kong saktan at iwan? Oo naman. Okay lang ako."

"Sorry naman. Akala ko ba naka-move on ka na?"

"Akala ko rin. Bakit kasi kailangan pa niyang bumalik."

"Bakit nga ba siya bumalik?"

"Para sakin DAW. Babalikan daw niya ko."

"Eh anong sabi mo?"

"Sabi ko tama na. Sabi ko wala na. Ang hirap Sandra. Dalawang taon siyang nawala, para sakin patay na yung tao."

Nakatulala lang ako. Sabay natandaan ko... 

Dito nagstart ang lovestory namin ni Leo. Grade six palang kami, crush ko na siya.  Napaka-immature kung iisipin. Pero dun nagsimula ang lahat. Typical batang relationship. Pero minahal ko  siya. Kilala si Leo bilang napakatahimik at napaka talino. Kaya maraming may gusto sakanya. Pano, pogi din kasi. Pero madalas kaaway at madalas pag-initan ng mga teachers. Katulad nalang kanina, transferee pero hindi man lang binigyan ng pagkakataon na magpakilala sa harap. Pero niligawan niya ko, at um-oo naman ako pagkatapos ng ilang buwan. Lagi magkausap, Lagi magkachat, laging kinikilig kapag nagkikita sa campus. Pagkatapos ng tatlong buwan, bigla nalang siyang nawala. Biglang umabsent at hindi na nagparamdam since then. Dalawang taon siyang nawala at walang nakakaalam kahit sino sa batch namin kung saan niyang lupalop nagligalig. Pero wala na akong pakialam dun ngayon. Di pa man din ako tapos magisip sa kung anong mga nangyari samin ni leo....

"Uhm, Excuse me? San yung computer room?" 

"Sino ka?" Tanong ko. 

"Ah, Alex. Alex Manansala. And you?" 

"Kate. Kate Angeles. I think I know you."

"Magkaklase tayo. Dun ako nakaupo sa likuran mo."

"Ahh. Dun yun, dun sa building na yun. Second floor."

" Thanks Katie." 

"Uhm. Kate. Hindi Katie." 

"Okay Katie."

" Kate nga!" Sigaw ko habang papalayo na si Alex.

"Bilis ah? Kayo na?" Sabi ni Ethann.

"Hanggang dito ba naman? Layuan mo nga ako!"

"Hanggang ngayon ba hindi parin kayo magkasundo ni Tan?"

"Hay nako. nakakabuwisit yang twin brother mo! Pagsabihan mo yan!"

"Teka, Sino ba yang Alex na yan?"

"Transferee. Ewan ko, di ko pa naman nakakausap."

"Okay. So, back to the topic, kinausap ka na ba ni Leo?"

"Oo. Sumasali pa siya sa pambbwisit ni Ethann sakin. Na parang wala lang. Nagka-amnesia ba siya?"

Sabay nag ring na ang bell.

-----

I know this chapter is  a bit boring. But I'll be pushing myself to do better on the next chapter. ;)

Forever.Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon