Chapter 11: Waking up

307 5 0
                                    

Nagising akong hingal na hingal at lumuluha. 

Panaginip. Panaginip lang lahat yun? Kaya pala masyadong madrama. *sampal sampal*

But I still cant help but wonder.. ano nga ba talaga ang nangyari kay leo? Bakit ko siya napanaginipan ng ganun at ano ba talaga ang sakit niya?

Pero nevertheless.. Nagpapasalamat ako at hindi totoo ang nangyari. Pagtingin ko sa orasan, 4:00 am palang. Lumabas ako para magikot ikot sa garden. 

"Bakit ang aga mong magising?" 

Nagulat ako. Pero kilala ko to.

"Alexei, bakit ba lagi mo nalang akong sinusundan?"

"Bakit mo ba sinusundan ang  isang tao?"

"Bakit nga ba?"

"Kasi gusto mo siya."

"Naks. Bumabanat ka Alexei ah." habang tumatawa.

"Alex, hindi Alexei." 

"Whatever."

"Kamusta na kayo?"

"Bakit ba lagi mo kaming kinakamusta?"

"Wala lang, concern lang naman."

"yun nga eh, bakit kailangan mo maging concern?

"Katie, ---"

"KATEEEEEEEEEEEEEE!" Sigaw ni Sandra.

"Halika dito, Baliw." Sigaw ko kay Sandra. 

"Binigay mo ba number ko kay Pao?!!?!?" Tanong ni Sandra.

"Hindi ah. Bakit ko naman ibibigay?"

"Eh pano niya ko natext?!"

"Edi binigay ni Kyle."

"Nako yang kapatid mo! Pagsabihan mo yan!"

"Sus. Itetext mo lang naman. May masama ba don?"

"Parang ang landi landi ko kasi."

"Hala, landi? agad agad? Tignan mo nga si Barbie. ."

"Sabagay."

"Minsan ka lang naman lalandi." Sabay tawa kaming dalawa.

"Ang ganda naman pala ng ex nito." Sabi ni Sandra

"Ang bilis mo naman halungkatin ang lifestory niya. tindi mo teh."

"Haha.. Mahirap na. Pero ang ganda. Ano namang laban ko dito?"

"Alam mo na! *saba tingin sa -----* Hahaha!"

"Ikaw talaga! Halika na nga! Bibili pa daw tayo ng regalo para kay Ja!"

"Leggo" 

*Sa loob ng cottage*

"Hoy  Paolo at Ethann. Tigilan niyo nga yang panttrip niyo kay Patrick. Pati plantsahan nilagay niyo na sa katawan eh. Kulang nalang pati ref ipabuhat niyo kay Pat habang tulog kita niyong ang payat payat na niyan eh." 

Sabay tawa nung dalawa.  

"Ready na ba kayong lahat? Sigaw ni Gabby.

"Teka wait, naiihi ako." Sabi ni Erica.

"Bilisan mo, baka maihi ka nanaman jan sa pantalon mo." Banat ni Gabby.

"Ang sama sama mo talaga." Habang natatwa.

*Sa may garden*

"Alex, ready ka na?" Tanong ko sakanya.

"Wow, kelan ka pa nagkaroon ng pakialam sakin?

"Uhm, 2 seconds ago?" 

"Haha. Oo. Ready na ako Katie."

*Sa tabi ng sasakyan*

"Pasok na lahat sa sasakyan, hahatid ko na kayo pauwi." Sigaw ni Paolo. 

"Let's go!" Sabi ni Cathy.

"Yon. Akala ko pagcocommutin mo pa kami eh." Sabi ni Quennie.

"Ikaw? Ice ice baby? pagcocommutin ko? Di siguro." 

"Puro ka talaga kalokohan."

*Sa may garden ulit*

"Tol, paki-kuha naman yung towel  ko sa taas. Nakalimutan ko eh, dun sa may sampayan." Utos ni Ethann kay Alex.

"sige, wait lang."

"Ano ba? Ayaw niyo pa bang umuwi?" Sigaw ulit ni Paolo.

"Ready na lahat." Sigaw ni Gabby.

"Naka pasok na ba lahat?" Tanong ni Kyle.

"Oo." Sagot ni Sandra.

*Sa highway*

"Sigurado ba kayong wala tayong nakalimutan?" Sabi ko.

Forever.Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon