Chapter 13: Sandra & Paolo

315 4 0
                                    

Pagkauwi namin ay dumerecho na kami sa bahay. 

"Pao, ikaw na bahala kay Sandra ha." Bilin ko.

"Sige, ihahatid ko nalang to pauwi." Sagot ni paolo.

Umakyat ako sa taas para tawagin si Kyle. Pagbaba ko naman, nakita ko si Alex na nandun parin at parang may hinihintay.

"Oh, hindi ka pa ba uuwi?" Tanong ko sakanya.

"Saan kayo pupunta? Pwede ba akong sumama?" Sagot ni Alex.

"Ha? Hindi ka pa ba napapagod? Magpahinga ka nalang muna."

"Ayoko pang umuwi sa bahay eh.. Pwede ba kong sumama?"

Tumingin ako kay kuya Kyle habang nagaayos siya ng buhok sa may salamin para malaman kung okay lang sakanyang sumama si Alex. Binigyan niya lang ako ng 'Bahala na' look.

"O sya sya sige halika na. Baka maabutan pa tayo nila Ja, magtatanong pa ng magtatanong yun."

Habang naglalakad kami papuntang simbahan, kinakausap  ni Kyle si Alex.

"Saan ka ba nakatira?" Tanong ni Kuya.

"Ah jan lang.."

"Saan nga?"

"Sa may Bacoor."

"Ang layo naman ng ginagala mo!" Sagot ni Kyle.

"Haha. Hanggat maaari naalis ako ng bahay."

"Bakit naman?" Tanong ko.

"Ah.. wala.. ayokong pagusapan." Sagot ni Alex.

Habang nasa simbahan na kami, napapansin kong vibrate na ng vibrate yung cellphone ko. 

"Sino kaya tong text ng text. Hindi ko naman matignan at nasa simbahan."  Naisip ko.

-- SANDRA'S POV. --

New Message.

"Kate!!! Help!! Tinatanong ako ni Pao kung pwede daw niya ko ilabas for lunch or coffee or something!"

Message Sent.

New Message.

"Kate!!! Replyyyyyyy!! ASAP! Anong gagawin ko?! Otw na kami sa kung saan ngayon! waaaaa!"

Message Sent.

Calling "Kate BFF" ........  *ring* *ring* *ring*

Calling "Kate BFF" ........  *ring* *ring* *ring*

New Message

"Uy. PLEASE RESPOND!!!!!"

Message Sent.

Calling "Kate BFF" ........  *ring* *ring* *ring*

Calling "Kate BFF" ........  *ring* *ring* *ring*

"Nasan na ba tong si Kate?! Nakakainis! Kanina pa ko text ng text! kanina pa ako tawag ng tawag."

Calling "Kate BFF" ........  *ring* *ring* *ring*

"Ugh! Pick up the phone!"

"Sino bang tinatawagan mo?" Tanong ni Pao, halatang mejo naiinis na siya kasi kanina pa ako pindot ng pindot sa cellphone. Hindi ako nasagot.

"Hindi naman kita kikidnapin o rarapin. Wag ka magalala." Dagdag pa niya. 

"Iuuwi na kita if this makes you feel uncomfortable." Sabi niya ulit.

"Hindi. Wag. Gusto kitang kasama...

.. I mean, Okay lang sakin. Pasensya ka na. Di ko lang macontact si Kate. I'm Sorry."

Forever.Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon