Chapter 28: Trapped

245 6 0
                                    

After that wonderful moment with him, we headed back home. I just cant take off this smile on my face.

"Masaya ka?" Tanong niya habang hawak hawak yung kamay ko.

"Sobra.. Sobrang sobra.."

Ngumiti lang siya.

"Salamat ha?"

"Para san?"

"Para sa lahat. Sa pagbibigay mo ng chance sakin para  magawa ko tong mga bagay ng gusto kong gawin kasama ka." 

Nung nakarating kami sa bahay, nginitian lang ako ni kuya. Nsa may garden kami. 

"Susunduin kita bukas." sabi niya.

"huh?"

"may date tayong hindi natuloy diba? bukas natin itutuoy."

"Ah..okay.."

"Wag ka magalala. Matutuloy tayo kahit anong mangyari."

~ Kinabukasan ~

Aga niya kong sinundo at mga 11:30 nakarating narin kami sa Mall.

"Lunch muna tayo, Gutom na ko T^T" Sabi ko sakanya

"Okay." Sabay akbay sakin.

Wehehe. :3 P.F Chang's. =P~

"Anong gusto mong kainin?" Tanong niya sakin.

"Chicken lettuce wraps, dynamite shrimp pati dumplings." 

"Hahaha. bakit puro starters?" 

"Eeeeh. Yun yung mga paborito ko eh." 

"Takaw mo talagaaa. Haha. Ano pa bang masarap na pagkain dito?"

"Yung sweet and sour chicken pati beef with broccoli."

"Okay." 

Kinuha na nung waiter yung order namin at umalis na..

"Buti natuloy na tayo ngayon."

"Oo nga eh, akala ko magkakasakit ka ulit."

"Hindi no. SOBRANG excited ko lang talaga nun na makasama ka kaya ako nagkasakit."

"Weh. haha." 

Dumating na yung inorder namin at kumain na kami. Weeeeeeee. Chicken lettuce wraps!! My favorite

"Takaaaaw."

"Hihi. Tikman mo to oh!" 

Maya maya pa eh natapos narin kaming kumain. Nagbayad na kami at umalis sa loob ng resto~

"Saan mo gustong pumunta?"

"Kahit saan. Lakad lakad muna tayo." 

Naglakad kami at nag-gala-gala. 

"Gusto mong manuod ng sine?"  Tanong niya.

"Sige."

Nanuod kami ng Expendables 2. Pagpasok namin ng sinehan...

"Pengeng popcorn!! Sabi ko."

"Ubusin mo muna yang ice cream mo." Sabi niya.

"hmmkay. Hehe."

"I love you, Kate Angeles."

"I love you more, Alex Manansala."

Hinalikan niya ko sa pisngi.

"Ayan na! Manuod ka!" Sabi ko.

Inakbayan niya ko at nilagay ko naman yung ulo ko sa shoulders niya. Nangalay din ako at umupo ng maayos. Mehehe. Hinalikan niya ulit ako sa pisngi.

"Nawiwili ka na ah?" 

Hinalikan niya ulit ako sa pisngi habang tumatawa. 

"Alex! Ano ba! Baka may makakita sayo."

Hinalikan niya  ulit ako.

"Hay nako. kulit kulit nito." 

Tumigil din siya.

Pagkatapos eh naglakad lakad at umikot ikot muna kami.. hanggat sa nakarating na kami sa 5th floor. Mga dalawang oras yata kaming naglalakad at nagwiwindow shopping. Ang sakit na ng paa ko kaya sabi ko mag elavator nalang kami pababa. Ang tagal bumukas ng elavator. Pagtapos ng mga 5 minutes tsaka lang nagbukas. May 3 lalaking lumabas. Pumasok kaming dalawa sa loob. Pagsara ng pinto, pinindot ni Alex yung 1st floor. 

Pagdating sa 3rd floor, biglang nagpatay bukas pataybukas yung ilaw. Pundido? Hindi siguro. Tumigil yung elavator at namatay yung parang maliit na screen na nakikita kung nasa anong floor na kayo. Nice. NA-TRAP KAMI SA ELEVATOR.

"HALA!!! UY!!" Sigaw ko.

Pinipindot pindot ni Alex yung mga buttons pero walang epekto. Tinry niya ring pindutin yung emergency button pero hindi naman nagana. at siempre walang signal.

Kumakatok ako sa pinto ng parang baliw.

"Kahit anong gawin mo, walang magbubukas niyan." Sabi niya, sabay upo.

Umupo nadin ako sa tabi niya.

"Bakit lagi nalang tayong nalolock?" Tanong ko.

Tumawa siya. "Hindi ko din alam."

"Ang malas mo! hahaa"

"Oo nga eh. Ni-lock ako ni Ethann sa bahay nila Paolo, nalock tayo sa kwarto mo, ngayon naman natrap tayo sa elevator. Ano kayang ibigsabihin nito?"

"Ewan ko. haha"

"Talagang tayo ang para sa isa't isa daw."

"Weh. Haha. Baka makukulong tayo someday."

"Oo. Ikukulong kita dito sa puso ko."

"Corny. Wahaha."

Tumawa lang din siya habang pinapakialaman yung wallet ko at kinuha yung isang picture ko.

"Akin nalang to ah."

"Kinuha mo na yung dalwang picture ko sa kwarto eh!" Sabi ko. 

"Haha. Basta akin nalang to."

"Bakit ba? Ipapakulam mo ba ko?"

"Oo ipapakulam kita. Para mapasaakin ka na ng buong-buo." 

"HAHAHAHHAHAHA." 

*DING!*

Yun. Biglang bumukas yung pintuan. Buti naman halos 30 minutes lang kaming na-trap.  Bago pa man kami makatayo eh biglang may tuawag sa pangalan ko.

"Kate?"

Pagtayo namin, tinawag ako ni.. ni.. Sino nga ba tong lalaking to? Kilala ko to.. namumukhaan ko siya pero nakalimutan ko ang pangalan niya. Sigurado akong kilala ko siya...

"Hi kate, kamusta?" Bati nung lalaki.

--------------------------------------------

AUTHOR'S NOTE: Sino kaya yung lalaki na yun? Hulaan niyo. I-comment niyo kung sino hula niyo. Nyahahaha :3 Ayun. Sinipag kaya nakapagsulat ng 2 chapters in a day! Hahaha.

Alam ko hindi ganun kayaman si Alex sa story pero kumain sila sa PF Chang's. Hahahaa. Gusto ko lang kasi talaga kumain dun eh T^T at totoong favorite ko ang chicken lettuce wraps at dynamite shrimp. Kaya yon :3 inimagine ko nalang at inilagay ko sa story ko. Hahahaha. Frustrated. :| Haha. Oh well.

Keep supporting, voting & commenting! ^O^ 

Forever.Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon