KATE'S POV.
"Tumigil ka nga, anong pipiliin? Wala akong pinipili." Sabi ko sakanya.
"Dito ka lang."
"Leo, please."
"Sakin ka lang." Sabi ni Leo sakin.
Nagulat ako sa sinabi niya. Nagulat ako at bumalik ako sa kinauupuan ko.
Tinitigan lang ako ni Alex.
"I'm sorry." Sabi ko sakanya.
Tinalikuran niya ko at naglakad papalayo. Tinignan ako ni Sandra at umiling. Hindi ko na alam gagawin ko, hindi ko na alam sasabihin ko.
ALEX'S POV.
"Dito ka lang." Sabi sakanya ni Leo.
"Leo, please." Sagot niya.
"Sakin ka lang." Sabi ni Leo sakanya.
Alam kong nagulat siya sa sinabi ni Leo kaya siya napaupo. Tinitigan ko lang siya. Alam kong ang ibigsabihin ng pag-upo niya ay mas pinipili niyang sumama kay Leo. Nagsorry siya sakin, pero mas minabuti ko nalang na umalis. Di ko kaya yung nakita ko. Kitang kita sa mata niya yung pagmamahal niya kay Leo. Parang naging basag na baso yung puso ko at parang bulkang sasabog naman yung mga mata ko.. na sumabog nga. Umiyak ako nung araw na yun. Mahal ko siya. Bakit ganun? Naiinggit ako, sa kung sino man yung mahal niya. Kung alam niya lang.. kung alam niya lang.
Hindi ko alam kung pano ko aaminin lalo na ngayong nanjan na ulit si Leo.
Bumalik kami ng classroom. Mararamdaman mo yung ka-awkward-an sa classroom. Talaga namang nakakailang, lalo na't magkakatabi lang kami.
KATE'S POV.
Bumalik nanaman ako sa classroom ng tahimik at hindi nagsasalita. Hanggat maaari ayokong umupo sa tunay kong upuan. Lahat ng tao sa paligid ko ayaw kong makausap. Ayoko silang makita at ayoko silang makasama.
Lumipas ang mga oras ng hindi ako nagsasalita..
"Katie, hahatid na kita." Sabi sakin ni Alex.
"Ako na maghahatid sakanya." Sabat ni Leo.
"Walang maghahatid sakin. Uuwi ako mag-isa."
"Pero wala kang kasama." Sabi ni Alex.
"Mag-isa nga diba?" Sabi ko.
May sinabi pa si Alex na hindi ko inintindi. Dumerecho nalang ako pauwi.
Habang naglalakad ako pauwi, napapansin kong may sumusunod sakin.
"Sabi ko uuwi ako mag-isa. Hindi mo na ko kailangang ihatid." Sigaw ko.
"Bakit? Sino ba nagsabing hinahatid kita?" Sagot ng taong sumusunod sakin.
"Umuwi ka na." Sabi ko.
"May pupuntahan pa ko, bakit ba?"
"Alex, please, umiwas ka na lang sa gulo."
"Mahal kita."
"Tama na."
"Umalis ka na lang!"
"Mahal nga kita. Hindi ako titigil."
"Tama na. Itigil mo na yang pagmamahal na yan. Walang patutunguhan yan. Sasayangin mo lang oras mo."
"Hindi parin ako susuko. Alam ko namang hindi mo na mahal si Leo."
"Tama na, umalis ka na lang please."
"Sabihin mong mahal mo si Leo, aalis ako."
Huminga ako ng malalim. Alam kong napapamahal narin ako sakanya, pero hindi ko pwedeng aminin. Kailangan kong magsinungaling.
BINABASA MO ANG
Forever.
Teen FictionWe fall in love, and we break our hearts. And after going through that cycle every now and then, we learn something new. But what important is we learn that there is always this one person who can always come and rescue us. That one person we need w...