Chapter 2: Unexpected

531 9 4
                                    

“Of all people? What the… Bakit? Bakit? Bakit?!!! Bakit ngayon! Bakit dito sa section ko?!” Sinasabi ko sa isip ko.

“Kate,  may nakaupo ba jan sa tabi mo?” Tanong ni Miss Sanchez.

“Hindi ako magpapadala sayo.. Focus Kate, focus. Wag na wag kang magpapadala sa lalaking yan.” Naisip ko ulit habang nakatulala at hindi alam ang gagawin.

“Miss Angeles, hija, are you okay?” Tanong uli ni Miss Sanchez.

“Kate!!” Sabay tulak ni Ethann sakin.

Tsaka lang ako nakabalik sa totoong mundo.

“Oh?...Uhm, bakit po? Yes Miss?”

“I was asking if the seat beside you is available. Nakakahiya naman kasi dito kay Mr. Alberto. Late na nga, naghihintay pang bigyan siya ng upuan.” Sabi ni Miss Sanchez.

“Ah, wala pong nakaupo dito Miss.” Sagot ko.

“Bakit?! Bakit mo sinabing walang nakaupo? Edi magkatabi nanaman kayo?! Ang tanga tanga mo Kate!” Sigaw ng utak ko sakin 

“Huminga ka naman, Kate. Namumutla ka na jan. Gusto mong dalahin kita sa clinic?”  Alok ni Ethann.

“Hindi. Okay lang ako. Salamat.” Sagot ko.

“Oh gusto mong ako pa magbuhat sayo papuntang clinic kapag nahimatay ka na?” Sabi ni Leo.

“Naks.” Sabi ni Ethann ng may pang-aasar.

“Manahimik kayong dalawa.”

“Pumunta ka na nang clinic. Alam ko namang hindi mo ako inaasahang magpapakita pa sayo.”

“Buti alam mo. Ano bang problema mo? Ano nanamang gusto mong mangyari? Umalis ka na.”

“Bakit ba? Nandito ako para balikan ka.”

“Naririnig mo ba yang sarili mo? Tama na Leo, wala ka nang babalikan.”

“Pero – “

“Wala na!” Sigaw ko.

“Anong meron diyan sa likod?” Tanong ni Miss Sanchez

“Miss, nanjan na po yung mga transferees.” Sabi ni Quennie.

“Come here inside.” Utos ni Miss.

May pumasok na dalawang lalaki at isang babae.

“Introduce yourselves.”

Pumunta yung babae sa harap, at nagsalita. Nagulat ang lahat sa lakas at tinis ng boses niya.

“Hi everyone! I’m Princess Christine Flores. Tatay ko si Henry Sy at kapatid ko si Barbie!”

Hinde, joke lang. Nasabi ko lang yun dahil halata sa hitsura at suot niya na mayaman siya at may kaya ang pamilya nila. Mukhang Wilkins ang pinapanligo. Mukha rin siyang suki ni Vicky Belo dahil sa maputi at makinis niyang balat. Unang tingin palang eh makikita mo nang maraming maiinis sakanya dahil sa pink niyang ballpen na may glitters.

“Hi everyone! I’m Princess Christine Flores. And I am honored to meet all of you.”

“Meh.” Walang kwenta. Hindi ako interesado sakanya.

Pumunta ang isang transferee sa harap at nagsalita.

“I’m Alex. Alex Manansala.”

Sa pananalita palang makikita na simple at mejo mahiyain. Hindi ko pa tapos sabihin sa isip  ko ang first impression ko sakanya nang umupo siya sa likuran ko.

Pumunta ang pangatlong transferee sa harap, at nagpakilala.

"Raldskanfeijvd Endksnivdsc." Sabay alis at umupo na sa kanyang upuan.

Kung ano man ang pangalan niya, Eh wala na akong pakialam. Haha. 

Wala man akong interes sa kanilang tatlo, nagpapasalamat parin ako sakanila dahil nakalma ako at kahit limang minuto eh nakalimutan kong katabi ko lang ang lalaking minahal ako at sinaktan ako.

Sabay nag ring na ang bell.

Forever.Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon