FM 3

16 3 0
                                    


Mabie's POV



Tumakbo lang ako ng tumakbo wala na akong pakialam kung may makakita man sa aking umiiyak , ang sakit na makita mo yong mahal mo na niloloko ka ng harap harapan at itinaggi ka pa.

Flashback

"Patay kayo sa aking dalawa."

Hinabol ko na sila mafie at madie, ang sama nila akala ko talaga totoo na iyon eh. natakot tuloy ako na baka totoo iyong sinasabi nila kasi paano ba naman, parang naasiwa na sa akin si lance at parang ayaw niya na ako kasama inisip ko na baka iyon iyong dahilan.

Lumiko iyong dalawa tapos tumakbo ako ng mabilis para mahabol sila, baka kasi nag tago lang iyong dalawang iyon eh. balak ko si lang gulatin, at nakita kung napatigil iyong dalawa nagtinginan sila doon sa may hagdan pag tingin ko doon ako iyong nagulat sa nakita ko.

"Lan..ce..."

Si lance may kaharutan na babae at nag halikan pa sila, naghahalo iyong nararamdaman ko, galit na naiiyak ako at parang sumisikip iyong dibdib ko parang sasabog at dinudurog iyong puso ko, ang sakit!! Kaya pala ayaw na akong kasama ni lance kasi pinagpalit na niya ako. Nilapitan ko agad sila pero pinigilan ako nila mafie

"Hayaan mo ko mafie, kailanagn kung gawin to" tapos binitawan na ako ni mafie

natapos na silang maghalikan at nakita ako ni lance

"Kaya pala ayaw mo na sa akin kasi pinag palit mo na ako" sabi ko habang tumulo ang luha ko.

"Sino ka bang babae ka ha?.." tanong ng babae niya

"Ako lang naman ang girlfriend niya." Pairap kung sabi sa babae niya

"Babe, Anong sinasabi niya na girlfriend mo daw siya?"

"Hindi babe! Di ko alam ang sinasabi ng babaeng to ." aba! tinanggi niya talaga ako

"anong hindi, kapal ng mukha mong lalaki ka.!" at sinampal ko siya at tumakbo na ako

How dare him do this to me wala pang lalaking pinagpalit ako sa iba at itanggi ako ng ganito....

End of Flashback

Akala ko iba siya sa ibang lalaki, kahit na sinabi ko sa mga kaibigan ko na hindi ako seryoso sa relasyon namin hindi totoo iyon, mahal na mahal ko siya at actually ako talaga ang patay na patay sa kanya kaya nga noong nanligaw siya sinagot ko agad siya eh. hindi ko na iniintindi iyong mga sinasabi nila na playboy daw siya kasi gustong gusto ko siya pati nga ang mga bestfriend ko eh. sinaway ko na huwag siyang sagutin eh. kasi lolokohin lang daw ako nun. Pero wala eh. mahal ko talaga, sabi nga nila hahamakin mo ang lahat masunod ka lamang , pero sa kabila noon pinili ko pa rin siya, siya din ang una kung boyfriend na sineryoso ko, kahit may boyfriend ako noon naki pag break agad ako. ito na ba iyong parusa sa akin dahil hindi ko sineryoso ang mga naging boyfriend ko. Pero parang sobra naman yata to. Dahil nakiki pag break naman ako ng maayos eh.

Grabe ang sakit talaga, Kung kailan ready na kung mag seryoso sa isang relasyon ngayon pa nag ka ganito.

"ano pa bang kulang lance ha..!! binigay ko naman ang lahat ng oras ko sa kanya kahit pag aaral ko na pabayaan ko na eh .!! Pero ano niloko mo lang ako!" Sigaw ko nandito ako sa tinatambayan naming mag kakaibigan at siguro mag sisigaw ako dito walang makakarinig kami lang din ang nakakaalam ng lugar na ito. Nasan na kayo guys I need you now!!!

"Mabie...!!" dinig kung sigaw nila mayie at mafie, tumakbo agad sila palapit sa akin at niyakap agad ako ni magie.

"sige iiyak mo lang yan, sabihin mo lahat ng gusto mo.." sabi ni magie habang kinu-comfort niya ako.

"ang sakit sakit magie, guys!! Sobrang sakit kung kailan okey na ako na hindi na ako mag hahanap ng iba eh. kung kailan nahanap ko na iyong taong mamahalin ko, kung sino pa iyong minahal ko ng tudo siya pa iyong manloloko sa akin at itatangi ako na parang wala kaming naging relasyon na parang masamang alaala lang ako na dapat ng kalimutan, ganun ba talaga ako kadaling iwan ha?"

"hindi totoo iyan, mabie malas niya lang at niloko ka niya !!" - mayie

"hindi niya ba nakita kung ano iyong hinamak mo parang lang sa kanya, na kahit araw araw may nag sasabi sayo lolokohin ka lang niya at ginagamit ka lang niya pero hindi mo sila pinanilawalaan, nawala ka na nga sa pagiging top student dahil sa kanya pero hindi mo inintindi iyon kasi palagi mong sinasabi sa amin na okey lang kasi para sayo worth it naman kasi alam mong mahal ka din niya, at kahit ganun may tiwala ka sa kanya na hindi totoo iyong sinasabi nila at sinasabi namin, kaya sobrang kapal ng mukha at tanga lang niya para lokohin ka niya at itangi ng ganun kadali " Galit na galit sabi ni mafie

"Dapat naniwala ako sa inyo at sa sinasabi nila na lolokohin at ginagamit lang pala ako ng lalaki na iyon. Sorry binigo ko kayo na hindi niya ko lolokohin.."

"Shh!! Huwag kang mag sorry sa amin, hindi mo naman alam na magiging ganiyan eh. ateast you learn a lesson" Sabay punas ni madie ng luha ko.

"yeah at hindi mo siya deserve." Sabi ni naman ni mayie.

"Salamat sa inyo guys dahil lagi kayong nandiyan para sa akin"

"Madami pa namang ibang lalaki na hindi ka lolokohin eh." pahabol ni madie

"hindi na, madie tigil muna ako diyan ayoko ng masaktan pa, ang sakit kaya try mo!" pinunasan ko ang luha ko at umupo ng maayos.

Natawa naman sila, salamat sa kanila at gumaan na kahit papano ang kalooban ko, kaya mahal na mahal ko sila eh. sila na lang ang mamahalin ko at ang pamilya ko..

"kami na lang ang mahalin mo ha!, although alam namin na mahal mo kami " sabi pa ni magie

"OO naman mahal ko kayo nuh! Higit pa nga sa pagkakaibigan ng turingan natin kung hindi parang magkakapatid at parang magkakadugo na talaga tayo."

"Group hug nga" aya ni mafie

Nag group hug naman kami at habang magkakayakap kami sinabi ko sa kanilang...

"Tulungan niyo kung mag move on ha!"

"Parang hindi na kailangan mukhang naka move on ka na eh.!!" sabi pa ni mafie

Oo nga parang na bawasan na iyong sakit.. kasi alam ko na lagi lang silang nandiyan para sa akin para punan ang pagmamahal na kailangan ko at palitan iyong puwang sa puso na nilaan ko sa lalaki na iyon, at hindi sila kagaya ng ibang kaibigan na sisihin ka pa kung bakit ako na saktan pero hindi, iba sila..

"let's go na nga!! mag aral na lang tayo ng mabuti at doon lang tayo mag focus" sabi ni magie malamang sa kanya talaga manggagaling iyang ganyang advice, eh grade conscious kasi yan.

"hahahaha" nagtawanan lang kami

Masaya kaming naglalakad..

Maraming salamat FAMILY M.....<3

Family MTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon