FM 9

14 3 0
                                    


KINABUKASAN


Mafie's POV


"mga single ladies!!, sigurado kayong itutuloy niyo yan.." alangang itanong ko sa kanila, kasi mukhang hindi maganda ang way na paghihiganti na gagawin nila. Mukhang sasabit lalo na at maganda ang reputasyon namin sa school na to.

"anong niyo!?, tayo!!." Pasigaw na paalala sa akin ni madie..

"eh di! tayo.." sabi ko nga eh.

"after ng pag bra-brain storming natin, at lahat ng nagawa natin na naka plan na?, you still not into this plan pala!.." biglang reklamo ni mayie.

"at isa pa everthing is set and perfect.. " dagdag pa ni mabie.

"inisip mo ba ang magiging reputasyon natin pag may nakaalam?, huwag ka ng magalala kagaya nga ng sabi ni mabie it's set and perfect that means hindi tayo sasabit at mahuhuli." Paliwanag din madie.

"Bakit ayaw mo ba mafie?" alalang tanong ni mayie.

"Hindi naman sa ganun..." saglit akong nag isip pa .. "sige na nga okey na ako.."

Naalala ko kasi ang pinagdaanan nila magie at mayie sa nangyari sa kanila. Si magie na nahirapan kami. kinailangan pa naman ipasyal sa mall at pakainin siya ng napakadami. Si mayie naman na walang tulog at walang ganang kumain.. siguro kapag nakaganti kami babalik na sila sa dati mahirap na baka tumaba si magie at si mayie naman ay magmukhang zombie LOL.

Kailangan mailabas nila ang galit nila para matahimik na talaga sila.

"Oh single ladies, anong oras natin gagawin ha?" tanong ni mabie.

Natawa naman ako sa tanong niya.

"akala ko ba everthing is set and perfect ikaw nga mismo nagsabi tapos magtatanong ka kung anong oras natin gagawin..? hahaha" nagbibiro ba siya malamang set na din yon.

"nag tanong ba ako!!?" pagmamaang maangan niya at the same time parang napahiya siya.

"halika na nga.. pasok na tayo kunwari wala kaming narinig hahaha" hirit pa ni mayie.


                ***********


Nandito kami ngayon lahat sa loob ng sasakiyan nila magie kinokontrata namin ang driver nila magie na si mang sebastian, Para sa aming revenge, actually kanina pa namin siya pinipilit eh. pero sana pumayag si mang sebastian dahil ayaw namin mag hire pa at perfect doon si mang sebastian kasi malaking tao at malakas siya.

Si magie naman kasi akala ko pa naman sabi niya madaling pakiusapan si mang sebastian, na set na nga ang plan, pero ang gagawa para sa amin hindi pa pala alam hahaha... hay!! Naku. Naku..!!. napapailing na lang ako.

"mang sebastian pumayag ka na, kasi kung kami lang hindi namin kaya iyon.." paki usap pa ni magie.

"Mga bata kayo!! Tsk tsk! ."

"Please!!!" sabay sabay naming paki usap. Parang umepekto naman dahil parang naawa ang expression ng mukha niya.

"Oh siya!! Sige sige..," hay salamat pumayag din si mang sebastian. Tumalab ang pagpapaawa namin.

"salamat!! Mang sebastian" masaya naming sabi.

"sandali, diba may CCTV dito sa parking lot!!?"

Kinindatan ko si mang sebastian sabay sabing..

Family MTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon