INLOVE WITH THE FARMER'S DAUGHTER
BY : SHERYL FEECHAPTER ONE
"Tol kaarawan ni mama hindi ka ba uuwi sa Bontoc?" tanung ni Alex Dave sa bunsong kapatid.
"Hindi ko alam kuya mamaya eh kulitin at kulitin ako ni papa alam mo namang ayaw na ayaw ko sa pag aalagad ng batas eh." sagot ni Xander.
"Tol unawain mo na lang si papa. Siyempre retired officer iyon at hindi mawawala sa kanya ang ipamana iyon sa kanyang lahi. Imagine once in a blue moon lang tayo magawi sa Bontoc kayat umuwi ka rin. Ikaw din kaarawan iyon ni mama huwag mong sabihing titiisin mo siya dahil lang sa ayaw mong kulitin ka ni papa." sabi ni Alex.
Tuluyang ibinaba ni Xander ang mga papeles o thesis niyang ni rereview niya at tuluyang hinarap ang kanyang kuya Alex.
"Ikaw na lang kaya kuya? Ikaw na lang kaya ang sumunod sa yapak ni papa? " wala sa loob at may pagkairitadong aniya ni Xander sa kuya niya.
" Tol alam mo namang simula't sapul ay ang pagpapari na ang pangarap ko. I can serve our country as well as the people around the world by preaching the words of God. Kaya ikaw Xander ang ibinubuyo ko para sumunod sa yapak ni papa. " mahinahong sagot ni Alex Dave.
The Dela Rosa brothers sila kung tawagin. Si Alex Dave pasensiyusong tao at siya pa ang panganay. Samantalang kabaligtaran nito ang bunsong kapatid, hindi niya alam kung paanu ito naging mahilig o naadik sa abogasya samantalang wala itong pasensiya.
"Ikaw na rin sumagot sa sarili mong idea kuya. Like what you just uttered, I can serve or country as well as our country men not only by following the steps of our parents. You know me big bro, since we were young this is my dream. Maybe I'm such an ambitious man but I want to serve my country by helping the poor people who can't afford to have a private lawyers to defend them to the court. Not being a bias but we are all aware of what's going on to our country specially in the name of law. So just accept the fact that this is me big bro. Your brother who wants to be a criminal lawyer and in God's will I'll finish my degree this year and you too, you will travel to Rome Italy after your one year outside the church. " litanya ni Xander sa kuya niya.
Napabuntunghininga na lamang si Alex Dave. Hindi sa bobo siya sa katunayan, isa siya sa mga topnatchers sa loob ng seminaryo pero pagdating sa kapatid niya ay wala siyang pamana kong ito ang nagsimulang magsalita.
"Siya, oo na 'tol pero dapat lang na uuwi tayo mamaya niyan eh magtampo na sina mama at papa city boy ka na raw. " sukong sagot ni Alex sa kapatid.
"Sure kuya basta walang pilitan sa gusto. Remember that we are in the Democratic Republic of the Philippines that's why we have the freedom to do or to follow our dreams by our own will. " kindat ni Xander sa kuya Alex niya.
Walang nagawa si Alex kundi ang mapangiti sa tinuran ng kapatid niya. Bagay nga dito ang pinili nitong propresyun. Halos sabay lamang silang magtatapos siya bilang isang pari o nalalapit maitali at yakapin ang banal na simbahang Catholicism. At si Xander bilang abogado sana nga lang huwag maging abogago may pagkasuplado pa naman ito.
San Fernando, La Union
"Anak uwi na tayo hapon na. " aniya ni Mang Enso sa dalagang nakayuko pa rin.
"Mauna na po kayo ni inay na umuwi itay. Kailangang matapos ko ito para madala ko sa bayan bukas. " sagot nito na nanatiling nakayuko.
" Pero padilim na anak hayaan mo na iyan bukas mo na lang iyan tapusin." kuntra ni Aling Maya sa anak.
"Tama nga naman ang inay mo anak may bukas pa para matapos iyan. " segunda ni Mang Enso.
"Okey lang ako inay, itay mauna na po kayo. Tatapusin ko lang po ito. Wala na po kasi tayong stock sa bahay kaya kailangan ko pong matapos ito para makababa ako ng maaga sa bayan bukas bago sumikat si inang araw." sagot pa rin ng dalaga habang abala sa pag lalagay ng mga gulay sa lagayan nito.